One

12.6K 231 35
                                    


An:

Kapag nakita n'yo pong may ‘Edited Version’ sa unahan at wala na sa mga susunod na chapter, meaning UNEDITED pa po ang mga susunod hanggang sa huli. ( May idinadagdag po kasi akong dialogues and infos na hindi mababanggit sa mga un-edited chapters ) Currently editing po ulit ako mula May 20, 2023 up to present. So yun lang. Salamat po!





EDITED VERSION


°°°
#ElitesHFA





Tahimik lang akong nagaayos ng mga gamit ko para sa pagpasok ko sa school. Kunwari, wala akong naririnig na ingay mula sa kabilang kwarto. Ayaw kong magpaapekto dahil baka masira lang ang mood ko at maisipan ko pang huwag ng pumasok.




Walang gana akong humarap sa salamin. Saglit akong napatitig sa repleksyon ko. Ganun na lang ang lalim ng hiningang pinakawalan ko ng suriin kong mabuti ang mukha ko.Inayos ko lang ang gusot na uniform ko at binalewala ang repleksyon ng aking mukha sa salamin.






Hindi ko naman kailangan magayos, anong sense ng pagtingin sa salamin? Tanong sa isip ko.




Agad ko ng isinukbit sa balikat ko ang bag kong dala at lumabas na ng kwarto.





"Nakakainis ka talagang bata ka! Magayos ka na nga ng sarili mo at pumasok ka na! Hindi ko pinagpapaguran ang mga ginagastos ko para sa pagaaral nyo para masayang lang!"





Saktong paglabas ko naman ng kwarto ay sakto ring labas ng kapatid kong si Kurt sa kabilang kwarto. Kasunod nya ding lumabas ang Mama ko na umuusok na naman ang ilong sa galit. Kanina pa sya walang tigil ng kasesermon kay Kurt.




Tinatamad lang si Kurt ngayon pero hindi naman ibigsabihin noon eh tamad na syang magaral. In fact, masyado syang maraming medals at achievements na nakukuha kaysa sa'kin sa mga pinasukan naming school.




Napasinghap na lang ako ng nabaling ang tingin sa akin ni Mama.


Ako na naman ang makikita nya.






"Oh ikaw naman na bata ka? Nasaan ang headscarf mo? Hindi pwedeng hindi mo yun isusuot at -"


"Nasa sofa, kukunin ko lang po." I interrupted her.



"Basta ang bilin ko, this time walang gulo okay? Huwag na huwag ka ring uuwi dito ng wala ng head-"


"Opo Ma." I cut her off again with a low voice.




Paulit ulit na lang ang sasabihin nya. Hindi na naman ako bata para laging paalalahanan. Ilang taon ko na rin naman itong ginagawa at masasabi kong nakasanayan ko na.

ELITESWhere stories live. Discover now