Seventy Four

1.3K 54 16
                                    

An : Dedicated po ang chapter na ito sa dalawa sa masugid kong mambabasa. MheanRamos8 & Jem_love28 :) Maraming maraming salamat pati pa po sa iba na matyagang laging nagaantay. <3



°°°


#ElitesRevelation



Tahimik ang paligid at payapa ang panahon kaya naisipan kong maglakadlakad na muna palabas. Maiinip lang ako kapag maghapon na naman akong nagkulong sa dorm.


Mabagal akong humahakbang habang kung saan saan ipinapadpad ang utak ko. I feel drain. Hindi ko maipaliwanag ang mood ko. Lumilipas ang mga araw pero ako, nanatili akong naglalakad pabalikbalik kung saan ako nanggaling. Akala ko umusad na ‘ko, pero parang paulit ulit akong bumabalik doon sa mga araw na gusto kong alisan pero kapag napapalayo na ulit ako, muli ko na naman yung babalikan.




I can no longer feel my worth. Hindi ko makita yung daang tutunguhin ko. Yung para bang wala akong goal, pero patuloy lang ako sa pagsipa at pagtakbo. Ganun yung pakiramdam ko. Parang pinagpapatuloy ko na lang ang buhay ko para 'mabuhay.' Hindi para sa kung kanino o kung para saan. Yung mga paninindigan, pangarap at gusto kong makuha, unti unting nagiging malabo sa paningin ko. Siguro nga talagang napapagod ako. Nagsasawa. Tumatakbo pero hindi alam ang pupuntahan.




Ganun pala kapag masyado kang naliligaw sa sarili mong pagkatao. Hindi mo na mahanap yung sarili mo. Hindi mo mahagilap ang tunay na halaga mo. Para magkaroon ka ng kwenta ulit, muli kang babalik doon sa mga unang araw kung saan matibay pa ang pinanghahawakan mo. Deretso pa ang tingin mo sa daang tatahakin mo. Yung alam mo kung anong mga dapat mong gawin. Mga bagay na dapat mong ipaglaban...





Seryoso akong naglalakad kaya't hindi ko napansing napadpad na ang mga paa ko patungo sa orangery. Ang tagal na rin simula ng mapadpad ako dito.



Nagkaroon ako ng kahit katiting na excitement. Alam kong gaganda ang mood ko kahit hindi ako masyadong mahilig sa bulaklak at mga halaman,


Bago pa man ako makapasok ay napansin ko na ang isang pamilyar na pigura. Nakaupo ito sa hindi kahabaang kahoy na upuan. Kaharap ang mga namumukad na mga bulaklak sa iba't ibang laking paso. May hawak itong gitara na marahan n'yang ini-strum habang bahagyang iniindak ang kanyang ulo.



Nakangiti lang s'ya habang ginagawa n'ya yun. Matagal ko s'yang pinagmasdan bago ako tuluyang pumasok ng hindi man lang n'ya napapansin. Nang umupo na ako sa tabi n'ya, saka lang n'ya yun naramdaman at mabilis na lumingon sa'kin.


“Candy crush!” Masigla nitong bati na lalong nagpaaliwalas sa kanyang mukha.

“Tumutugtog ka rin pala ng gitara.”


Lalong nagliwanag ang mata n'ya ng sulyapan n'ya ang hawak, saka muling nakangiting nagbalik ng tingin sa'kin.

ELITESWhere stories live. Discover now