Sixty Nine

1.2K 55 13
                                    


An :
IG : missyoung_myf . Follow nyo po ako ng may makausap naman ako. Haha! Lagi ako doong online. :)

••••
#ElitesTeddyBear


Lumipas ang mga araw na parang walang nangyare. Bumalik ang lahat sa dati na parang hindi nila ako minsang pinagsalitaan ng masasakit na salita. Pero ako..hindi ko na kailanman kakayanin pang umakto na parang kagaya pa rin ako ng dati.


"Ano pang gusto mong kainin?" Blaze asked, parang walang ibang tao sa paligid namin dahil ako lang ang tinanong n'ya.


"Kami Blaze, hindi mo tatanungin?" singit ni Ellie habang nakangisi.

Mabuti naman at pinapansin n'ya na rin itong si Blaze. Sa pagkakaalam ko isang linggo rin daw na hindi pinansin ni Ellie si Blaze. And speaking of Ellie, hindi ko pa s'ya nakakausap ulit ng masinsinan tungkol sa sarili n'yang problema.

"Oo nga Blaze. Kumamain rin naman kami ah." malokong singit naman ni Axle habang ngumunguya ng kinakain n'ya.

"May mga paa kayo, bakit hindi kayo bumili ng inyo?" masungit na sagot ni Blaze sa kanila.

"Ah..walang paa si Bes."



Sinamaan ko ng tingin si Ellie at inosente nyang idiniin ang kapwa n'ya labi na parang hindi na s'ya muli pang magsasalita.


"Back to normal na lahat. Pero mukhang si Blaze hindi na normal. Extra caring masyado sa 'kaibigan', akala mo naman boyfriend." patuloy na pangaasar pa ni Axle kay Blaze na parang wala ako sa harapan n'ya.

"Can you please shut up Axe? Bumabawi ako kay Candid. Wala naman sigurong masama don?" napipikon ng sagot ni Blaze sa kaibigan.


Malokong ngumisi lang sa'kin si Axle. Napabuntong hininga na lang ako saka umiling. Tama naman kasi s'ya. Hindi rin naman kailang gawin ito ni Blaze.


"We're glad na hindi ka na-expel. And we're absolutely glad na suspended si Mrs. Flatona." Sham suddenly said and they all agreed to her statement.


Ito ang pangapat na araw na kasabay ko na naman silang kumain dito sa designated table nila. Ayaw ko sana dahil madalas kaming makatawag atensyon at tingin sa iba pero katwiran ni Blaze, matagal na namang hindi nahahati sa tatlo ang mga estudyante rito. Ano naman daw kung scholar ako para isabay nila sa iisang hapagkainan.

"You alright? Hindi mo pa masyadong ginagalaw ang pagkain mo." pabulong na tanong ni Dwayne sa'kin na katabi ko sa gawing kaliwa ko kaya bumaling ako ng tingin sa kanya.


"Ah-"

"May iba ka bang gustong kainin? Ibibili na lang kita."


Sasagutin ko pa lang sana ang sagot ni Dwayne pero sumingit si Blaze kaya s'ya na ulit ang binalingan ko sa kanan ko.

ELITESWhere stories live. Discover now