Eighty Four

973 38 10
                                    


“Akala ko kaya kong ipanalo ang larong ako naman ang nagsimula. Ang sugal na ako ang unang tumaya. Pero sa huli ako naman pala itong matatalo.”

••••



Wala ka bang balak umuwi?”


Hindi ako sumagot sa tanong n'ya. Sa halip ay hinigop ko lang ang mainit na kape na itinimpla n'ya sa'kin.


Rinig ko ang malalim na pagpapakawala n'ya ng hininga. Wala pa man akong naririnig na tanong mula sa kanya kung bakit at ano na namang dahilan ng pagbisita ko muli sa kanya, alam kong ramdam n'yang may malalim akong iniisip. Malalim na ang hirap hirap hukayin.


“Kaunting tiis na lang naman.”





Napatingin lang ulit ako sa kanya. Abala s'yang ayusin at bumuo ng mga letra sa ibabaw ng scrabble board n'ya kahit sarili lang naman n'ya ang kalaban n'ya.



“Kaunting tiis na lang at makakalaya ka na. Makakalaya na tayo..”


Seryosong dagdag pa n'ya matapos buuin ang salitang D-O-O-M-S-D-A-Y.


“Kaya ihanda mo na ang sarili mo.”


Muli ay nagiisip s'ya ng panibagong salita na bubuuin. S'ya rin ang titira bilang opponent ng sarili n'ya.


“Dapat handa kang muling masira ang pangalan mo.”



Wala sa sariling pinapanood ko lamang s'ya habang binubuo n'ya ang siyam na letra. S-A-C-R-I-F-I-C-E.


“Kung hindi ka lang sana na- attach sa mga Elites, eh ‘di dapat wala ka ngayon dito na malalim na nagiisip. Hindi ka sana magiging affected.”


Muli n'yang ipinahinga sa ilalim ng baba ang dalawa n'yang kamay habang malalim na nagiisip.


“I'm not afftected, Kurt.” I retorted.


Muli na naman s'yang may nabuong salita. B-E-T-R-A-Y-A-L.


Sumaglit s'ya ng sulyap sa'kin at napangisi. Ngising alam ko ang ibigsabihin.




Ganun talaga. Minsan kailangan mong maging makasarili at maging masama sa paningin nila para lang makalaya.” Makahulugan n'yang sabi habang sunod sunod na namang kumukuha ng mga letra at saglit na napailing.



“Kung hindi ka lang sana na-attach sa kahit na kanino sa kanila, wala ka sanang problema.”


V-U-L-N-E-R-A-B-L-E. Iyin ang sunod n'yang nabuo.



Napatitig lang ako saglit kay Kurt. Unti unti ay ngayon lang nagsisink in sa utak ko lahat ng paalala n'ya. Lahat ng bilin at warnings n'ya. Ewan ko ba. Matalino naman akong tao, pero nakakabobo pala kapag napalapit ka na sa isang tao.



“Pwede ka pang gumising habang may oras ka pa.” Paalala n'ya sa mababang tono at muli akong sinulyapan saka muling may binuong salita sa board.


ELITESWhere stories live. Discover now