Fifty Eight

2K 79 31
                                    

Disclaimer: (Mahalagang basahin)

Ang mga litratong naka-attach sa buong chapter na ito ay hindi po akin. Credits po sa mga totoong mayari. Pati na rin po sa mga pinagkunan ko ng totoong info tungkol sa naturang paksa.


Pasensya na po kung napatagal. Pero alam kong yung mga friend ko sa FB o sa IG lang ang nakakaalam kung bakit. Salamat po sa mga nakakaunawa.

•••

“You're not my baby sitter and you will never be, Candid. But I can be your baby, if that's what you want.”

°°°
#ElitesHolyEmpire

Nanatili kami sa view deck view ni Blaze, Trust at Axle hanggang sa dumating ang iba pa naming kasama na sinundo rin ng private chopper na lumapag kanikanina lang sa helipad nitong yate. Habang si Axle ay manghang mangha sa kabuuanng laki ng yate, si Blaze at Trust naman ay cool lang na pinagmamasdan ang paligid.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung kahapon ay ayaw na ayaw ko sanang sumama dito, ngayon parang gusto ko ng dito tumira habang buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung kahapon ay ayaw na ayaw ko sanang sumama dito, ngayon parang gusto ko ng dito tumira habang buhay. Mabuti na lang talaga at kinonsensya ako ng matindi ni Kurt. Tatanggihan ko daw ba ang isang pambihirang pagkakataon gayong libre na at si Mrs. Hyun ang mismong nagbigay sa'min ng ganitong pagkakataon? Pag nagkataon, isang kahihiyan daw para kay Mrs. Hyun na may isang estudyanteng tumanggi sa papremyo n'yang dalawang araw na bakasyon sa super yatch na ito.

Ngayon, hinahantay na lang namin ang head ng mga crew dito para daw mabriefing kami sa mga dapat malaman at i-tour kami
sa napakalaking yate na ito.

Ang alam ko noong una, kami ni Blaze ang nanalo para magbakasyon dito. Pero mabuti na lang talaga at isinama na rin ni Mrs. Hyun ang iba pang nanalo sa ibang palaro. Kung nagkataon, hindi ko alam kung mageenjoy talaga ako kapag si Blaze lang ang kasama ko.

Sa wakas ay dumating na rin ang hinihintay namin na magiliw kaming winelcome. Nagpakilala pa ito kasama ng dalawa pang babaeng crew na nasa kaliwa at kanan n'ya.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon