Ninety One

1.3K 45 19
                                    


#ElitesInstitution



°°°°




Sasabay ka na ba ngayon?” Kurt asked while organizing his stuff. Tipid akong tumango.


Hindi kami masyadong nagusap habang papunta kami sa lugar na pupuntahan namin dahil abala sya sa laptop n'ya. May nakakabit pa ring headphone sa tainga n'ya kaya sa twing ngingiwi at mapapailing s'ya ay alam ko ng may something sa mga naririnig n'ya.


Yun ang parte ng lihim na part time job ni Kurt, ang illegal na makinig sa usapan ng iba.



Kaya nga simula ng maging yun ang ginagawa n'ya, mas pinipili kong huwag makipagusap kay Ellie o kahit kanino via phone call. Mahirap na, baka kung ano ano na lang ang marinig n'ya.


Sumandal ako sa bintana ng bus at tahimik na nagmasid sa kahabaan ng traffic na nangyayari. Lumilipad ang utak ko paminsan minsan tungkol kay Winter. Hanggang ngayon kasi ay nasa hospital pa rin s'ya at hindi naging maganda ang kalagayan n'ya mula nung inatake s'ya sa puso sa school. Malaki rin ang posibilidad na tumigil s'ya sa pagaaral at mag- home school na lang sabi ng Daddy n'ya.



Nalungkot ako tungkol don. Kasi alam kong hindi n'ya yun gugustuhin pero kailangan. May kaunting agam agam sa utak ko na baka magiba yung dating Winter na nakilala ko.


Isa si Winter sa masasabi kong kabaliktaran ko ng personalidad. Kung ako ay gusto ng tahimik na lugar at hindi maingay na mga kasama, s'ya ay iyon ang gustong gusto n'ya. Gusto n'ya ng ingay ng tawanan, kulitan at mga biruan. Mas gusto n'ya sa matataong lugar dahil ibigsabihin daw kapag matao ang lugar, naroon ang saya. Pero may mga times rin naman na gusto n'ya ring magisa para magmunimuni.


Kaya kung mananatili lang s'ya sa bahay para magaral at mawawalan ng mas malawak na kikilusan at mga taong makakasama, liliit ang mundo n'ya na hindi n'ya nakasanayang yakapin. Sanay s'yang pagmasdan ang kaguluhan at komosyon ng mga tao sa kanyang paligid. Isa yun sa napansin kong libangan n'ya.



“Hindi natuloy ang paglabas ni Kuya this week. Pero nangako sa'kin si Ms. Coreen na tutulungan n'ya tayo makalabas as soon as possible si Kuya.”



Hindi ako sumagot at nanatili lang nakasandal sa salamin ng bintana ng bus. Nanatili lang akong walang imik hanggang sa makariting na kami sa pakay na lugar.



Tumambad sa'min ang malapad na pangalan na nakaukit sa arko papasok.




National Center for Mental Health — Barangad City



May kinausap si Kurt na nakasalubong naming nakaputing uniform na babae. Matingkad ang ngiti nito ng batiin ito ng kakambal ko kaya napaikot na lang ang mata ko. Bakit kaya ang lakas ng hatak ng mokong na ito sa mga babae?



Pinasunod kami ng babae sa kanya at pagdating sa receiving counter ay pinag-fill up kami nito bilang record para sa mga bumibisita.




Maya maya ay umalis na rin kami at sinamahan muli ng babae sa isang pribadong kwarto kung saan naroon si Kuya Nest.



Dahang dahang binuksan ang pinto at pumasok na kami agad ni Kurt. Sinabihan ni Kurt ang babae na hindi na kami nito kailangang samahan sa loob. Mabuti na lang ay pumayag ito dahil na rin siguro sa pambobola na rin ni Kurt kanina pa. Hindi kasi pwedeng iwan basta basta ang mga bisita sa pasyente ng walang kasamang titingin dahil madalas mangyari na mag- hysterical ang karamihan sa kanila o kaya naman ay maging agresibo.





ELITESWhere stories live. Discover now