Twenty Two

2.6K 95 9
                                    


Secrets


-





Isang linggo na kaming nagpapractice. Isang linggo na lang at Acquaintance Party na ng HFA.


Sa ngayon,hindi naman ako naiilang na sa mga kasama ko hindi kagaya noong una. Masasabi kong satisfied na sila sa nakikita nila sa'kin simula nung unang araw na nagpractice kami.


"May bagong sali sa Music Club di'ba Ellie? At ang alam ko, all male group na talaga sila noon pa." Domie suddenly asked while drinking her mineral bottled water.

"At hindi na nila kailangang magpakahirap magpractice, dati pa silang sumasayaw. Minsan na silang nagviral at hanggang ngayon marami pa ring nakakakilala sa kanila." sangayon naman ni Kate.

"Bakit? Don't tell me napepressure na kayo sa kanila? Hindi naman ito isang competition. Lahat tayo kasali sa Music Club. Lahat tayo magpapakita ng special number every programs na magaganap sa campus." apela naman ni Ellie sa kanila.

Nakikita ko sa mga itsura nila na medyo threatened sila. Siguro iniisip nila na kami nga ang magiging latak kapag dumating ang time na magpeperform na kami.

"Ngayon pa lamg pinanghihinaan na kayo ng loob? Huwag nyo maliitin ang girl power. May sinabi rin ang group natin kaya walang dahilan para magpadistract tayo sa ibang group." Ellie.

"Ang nenega nyo. Sana hindi na tayo nagpapractice kung yan din lang pala ang laging nasa isip nyo. Be confident. Kapag mababa ang confident ng ilan sa atin, posible talagang maging latak tayo." si Sham naman ang nagsalita at halata sa kanya na naiinis na sya sa mga naririnig sa mga kagrupo namin.

Tama naman si Sham.

Pero kumpara sa kanilang lahat, ako naman talaga itong nakakaramdam ng matinding pressure. Bukod sa ako ang front, dual performance pa ang gagawin ko. Alin ang mas nakakakaba doon?

Tapos may isa pa akong iniisip na issue. Yung costume namin.

Mayroon sa kalooblooban ko na nagwawala sa tuwa at excitement, pero hindi ko magawang maging masaya ng buo kapag naiisip ko si Mama. Paano kapag nalaman nya?

"Susuportahan kita kung saan ka magiging masaya."

Yan lagi ang sinasabi ni Kurt sa'kin.

Ang speaking of him, sinalo na nya talaga lahat para sa'kin.

Dahil sa pangyayare sa amin sa pagitan ng mga Elites, wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ang iasa na lang sa kanya ang lahat.

Masakit man sa part ko na sya ang lahat ang kakargo, wala akong ibang magawa kung hindi sa ibang bagay na lang makatulong sa abot ng makakaya ko.


"Sa group nila Axle at Yuri, okay pa ako eh. Kaso sa HF19? Pakiramdam ko malalampaso talaga tayo." nagaalala na namang komento ni Domie.

ELITESWhere stories live. Discover now