Sixty Three

1.3K 64 16
                                    


An: Marami lang pong pinagdadaanan, if wala naman mabilis po akong makakapag-update. :) Pasensya na po at salamat po sa mga nakakaunawa. <3

•••

#ElitesEllie



“Bakit mo ako gustong kaibiganin? Wala ka namang mapapala sa’kin.” matabang n'yang sabi sa'kin ng hindi ako tinitignan.

“Kailangan ba may mapala ako sa isang tao para kaibiganin ko s’ya?” pagpipilit ko pa rin habang nakangiti sa kanya.

Determinado ata ako sa kahit saang bagay basta ginusto ko. Ang weird man sa pakiramdam na kahit pinagtatabuyan nya ako kahit anong magandang ipakita ko, nandito pa rin ako at hindi nagsasawang kulitin s'ya.

“Pero hindi ako interesadong makipagibigan sa’yo.” masungit n’ya pang sabi ng saglit akong tamad na sulyapan.


Imbis na maoffend, lalo lang lumaki ang pagkakangiti ko. Kung iba iba lang siguro, baka nainis na sa sinabi n'ya. Pero iba ata ako.

“Wala ka namang magagawa. Kahit naman ayaw mo, ako ang makikipagkaibigan sa'yo. Hindi naman ikaw ang nakikipagkaibigan sa'kin. Kaya walang kaso sa’kin yun. Hihi.”


At yun na ang naging simula..


“Bakit ka sunod ng sunod? Dinaig mo pa ang aso.”


Kung tutuusin ay dapat na-offend na ako sa sinasabi n'yang yun at tumigil na. Pero sa halip na ganun ang maramdaman ko, mas natutuwa pa ako dahil napapansin n'ya ako at mas madalas na s'yang magsalita para kausapin ako. Yun nga lang, minamalditahan ako.

“Sasamahan kita.” tipid kong sagot ng nakangiti.

Tumigil s'ya sa paglalakad at hinarap ako.

Muli kong naramdaman ang kakaibang pakiramdam dahil sa malalamig na titig n'ya. Yung para bang sinisindak ka?

Mga matang kapag malalim mong tinitigan, imbes na masindak ay mararamdaman mo ang lungkot, at halo halong emosyong itinatago n'ya lamang sa matabang at masungit na pakikipagusap.

Noon pa man, kabaliktaran na kung ano mang nakikita ng iba ang nakikita ko sa kanya.


“Hindi sa lahat ng oras kaya mo akong samahan. Siguro gusto mo lang ng kaibigan dahil naiinip ka. But believe me, hindi ako yung tipo ng kaibigan na masaya kasama at pwede mong kakulitan. Hindi ko masasabayan ang mga trip mo sa buhay. Because obviously and honestly speaking, mukhang masyado tayong magkaiba sa lahat ng bagay. Magpapagod ka lang.”

Bibihira at madalang s'yang magsalita ng mahaba, pero kapag ginawa n'ya, mapapatulala ka na lang.

Bukod sa mga nakakaintimida n'yang tinginan, mapapansin mo rin sa kung paano s'ya magsalita kung gaano s'ya katalino hindi lang sa loob ng paaralan kung hindi sa kung ano ang perspective n'ya sa buhay. Sa murang edad, ganun na s’ya magisip kumpara sa’kin. Nakakahanga.

ELITESWhere stories live. Discover now