Ninety Six

775 25 16
                                    


°°°

#ElitesPlans





LUMIPAS ang isang araw na inakala kong iyon ang naging rason kung bakit wala s'ya. Sa unang araw na yon, paminsan minsan ay napapatingin ako sa hanay ng mga Elites sa unahan ng room namin. May bakanteng pwesto na akala ko sa unang araw lang na iyon mawawala. Hanggang sa pumangalawa at pumangatlo. Hanggang sa naging isang linggo.





Noong unang araw, iniisip ko na baka ako nga ang dahilan. Pero noong pumangalawa at pumangatlo, sure ako na hindi ako ang rason kung bakit s'ya sunod sunod na tatlong araw na wala. Wala ring alam sila Axle kung nasaan s'ya. Wala s'ya sa unit n'ya. Iniisip ko na baka nagkasakit s'ya at nasa mansyon nila pero hindi ko naman alam kung paano ako bibisita.





Sa pitong araw na yon, ang akala ko wala lang ang epekto sa'kin. Akala ko hindi ako maninibago. Para kasi sa'kin, hindi iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin sa ngayon. Hindi ang mga bagay na may kinalaman kay Blaze. Pero nagkamali ako. Dahil sa loob ng tatlong araw na wala ang prisensya n'ya sa paligid, pakiramdam ko kulang. May kulang. Hindi ko rin magawang bigyan ng focus ang mga dapat unahin dahil parating sa kanya napapadpad ang isip ko. Kung bakit sa kagaya nitong ni isang araw ay ayaw lumiban ng klase ay nagawang umabsent ng isang linggo.






Noong unang una ko s'yang makilala, alam ko at alam naman ng lahat na mataas ang tingin n'ya sa sarili n'ya. Mayabang ika nga. Pero kung tatanungin ulit ako ngayon, isang pagpapanggap lang ang lahat ng mayroon si Blaze.





Nagpapanggap s'yang mayabang at mataas ang tingin sa sarili ng sa gayon ay mataas din ang maging tingin sa kanya ng lahat. Pero ang totoo, iisang tao lang naman talaga ang gusto n'yang tignan s'ya bilang may halaga at kahit papaano ay may maipagmamalaki sa lahat. Hindi totoong mataas ang tingin n'ya sa sarili dahil kung ako ang tatanungin, hindi s'ya aware sa mga katangian n'yang dapat naman talaga n'yang ipagmayabang at ipagmalaki.





Si Blaze yung tipo na kahit maki-blend sa bulto ng mga tao, s'ya yung tipo na kukuha at kukuha ng pansin ng lahat. Kahit na sino. Wala ni isang taong hindi maglalaan ng segundo para mapatingin sa kanya. Gaano man karami ang tao sa paligid, s'ya ang mamumukod tanging kapansinpansin  at hindi mo basta basta bibitawan ng tingin. Hindi sa pagmamalabis ngunit isang katotohanan naman talaga na mayroon s'yang perpektong mukha na kaiinggitan kahit na siguro ng mga pinakagwapong artista ng bawat bansa.





Gaano man kaseryoso lagi ang ekspresyon n'ya dati na laging magkasalubong ang kilay at kunot ang noo, hindi non naitago ang soft features na mayroon ang mukha n'ya. Hindi lang siguro s'ya aware kung paano s'ya pinupuntusan ng lahat sa walang kapintasan nyang mukha. Kaya hindi lingid sa'kin ang inggit ng halos lahat ng kalalakihan ng HFA kay Blaze.





Noong una, akala ko dahil lang sa pagiging istrikto n'ya at mayabang n'ya. Pero nito ko lang napatunayan kung bakit. Hindi ko alam kung napapansin ba n'ya yon o hindi lang talaga sa kanya big deal na halos lahat ng kababaihan dito sa HFA ay pinapangarap s'ya. Bukod pa sa mga tao sa social media na madalas s'yang maikalat at post ang kanyang mukha kapag nakikita sa pampublikong lugar dahil parati s'yang pinagkakamalang artista.





Aware naman si Blaze na talagang well, gwapo s'ya. Pero hindi lang siguro n'ya alam kung gaano s'ya kagwapo sa paningin ng lahat. Kahit sino ang tanungin, mapalalaki o babae. Singungaling kung sasabihing hindi. Sinungaking kapag sinabing "sakto lang, medyo gwapo o gwapo lang." Kung ako ang tatanungin ngayon, wala akong nakitang lalaking papantay sa kakisigan n'ya. Sadyang hindi ko lang gusto at irita ako sa kanya noong una naming pagkakakilala.




Isa sa mga bagay na hinangaan ko sa lalaki sa kabila ng halos pagsamba sa kanyang itsura ng lahat, para sa kanya ay hindi iyon malaking puntos para maipagmalaki lalo na sa kanyang ama. Hindi ang itsura n'ya ang tinuturing n'yang kaya n'yang ipagmalaki.





ELITESWhere stories live. Discover now