Fourty Six

2.3K 102 12
                                    

"Totoo pala talaga na kapag nawala ka na, saka mo pa lang malalaman kung sino ang mga taong iiyakan at manghihinayang sa pagkawala mo. Doon pa lang nila makikita ang halaga mo at kung anong naging ambag ng existence mo sa mundo."

-
Babawi
-


Habang naglalakad ay panay ang tingin ko sa cellphone ko. Nagbabaka sakaling makatanggap ng text mula sa misteryosong sender na hindi ko alam kung pinagtitripan ako.

Ang huling mensahe nya ay nagsilbing treat para sa'kin. Muntik ko ng tawagan si Ellie at muling kausapin. Mabuti na lang at nagmanman muna ako sa kanya at palihim ko s'yang sinusundan matapos ng araw na matanggap ko yun. Wala akong napansing kahinahinala o kung may sumusunod ba sa kanya. Kaya malakas ang pakiramdam kong sinisindak muna ako ng taong nasa likod nun.

"Candid, isang sayaw at kembot naman dyan!"

"Wiwit! Pa-flex ulit ng abs Ms. Rosales!"

"Uy! Señorita!"

"HFA Dancing Queen, baka pwede kang maisayaw minsan?"

"Baka naman. Pakita ulit ng sexy na katawan. Kahit hindi na yung mukha! HAHAHA!"

Sari sari ang komento at pagsaring ang mga naririnig ko habang dumadaan ako sa corridor. May iba na paghanga talaga mula sa kalalakihan pero may iba na sa tingin ko ay binabastos na ako. At kapag babae naman ang nagsasabi, may papuri sa una at sa huli ay nilalait rin ako.

Ilang araw ng ganito ang set up ng dahil sa mga video namin ni Blaze na viral na naman sa social media. Sa dami ng nagpopost, hindi ko na alam kung sino ang may pasimuno.

Ayaw na ayaw ko ng ganitong atensyon kahit na pagdating sa social media. Dahil ano mang talento o magandang makita sa'yo ng iba, mayroon at mayroon pa rin silang makikitang mali at panget sa'yo at yun ang pupunturyahin nila.

Nagderederetso lang ako ng lakad. Nagpanggap na wala akong naririnig. Nakita ko agad na makakasalubong ko si Blaze. Masama ang timpla ng mukha pero hindi s'ya sa'kin nakatingin. Kung hindi sa mga lalaking nakatayo at nagtatawanang naguusap usap.

Akala ko hindi n'ya ako papansin na pabor sana sa'kin. Pero ng magkatapan kami ay hinawakan nya bigla ang palapulsuhan ko. Nagpatuloy s'ya ng paglakad habang higit higit ako taliwas sa dereksyon na pupuntahan ko.

"Bad! Ano ba!" singhal ko sa kanya.

"Huwag ka nga maingay. Magpapasama lang ako." iritable nyang sabi.

Oh di'ba, sya na ang may kailangan s'ya pa ang galit. Hindi man lang ako tinanong kung payag ba ako. Kailangang gumawa pa ng ganitong eksena dito sa corridor. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga schoolmates namin.

"Bitiwan mo 'ko. Pwede ako sumama ng hindi mo hinahawakan."

Para wala ng gulo. Kahit naman anong layo at takbo ko palayo para s'yang kabute na sulpot ng sulpot kung saan. Nagsasayang lang ako ng effort ko. Kahit naman magtago ako sa kanya hinahanap n'ya pa rin kung nasaang lupalop ako.

"Kapag binitiwan kita, paguusapan ka na naman ng mga manyak dito."

Napatingin ako sa kanya ng dahil sa sinabi n'ya. Sa harap lang s'ya nakatingin kaya nakikita ko ng husto ang side view ng mukha nya. Kahit hindi s'ya nakaharap sa'kin halata namang seryoso at parang naiirita na naman s'ya.

ELITESWhere stories live. Discover now