Seven

3.7K 147 31
                                    

EDITED VERSION

°

°°
#ElitesZayn


Candid Alessia Rosales




"Click your speed dial at diretso tawag na yun sa number ko. Kapag may masamang nangyari sa'yo at may ginawang masama na naman sa'yo ang Blaze na yun, tawagan mo agad ako." Bilin ni Kurt habang nagaayos ako ng mga gamit ko.


"Opo Pa." Pangaasar kong sagot dahil naririndi na ako sa paulit ulit na bilin nya.


"Bumusina na ulit yung van na sinasakyan nila. Pag ako nainis lalabasin ko sila at pakakawalan si Frow." Ayan na naman si Kurt sa pagiging childish nya.


Si Frow ang cyberian huskey dog na tanging naiwan na lang sa'min ni Papa. Regalo ito ng isa sa malapit nyang kasamahan sa pagiging sundalo. Paniguradong kapag talagang pinakawalan mula sa kulungan at inutusan yun ni Kurt, wala yung sasantuhin na kahit na sino.



"Eto na nga, tapos na ko." Sinukbit ko sa balikat ang malaking bag na dadalhin ko.



Isang sling bag at isang malaking backpack lang naman ang dala ko. Sapat na ang mga dinala kong gamit para sa limang araw na mawawala ako kasama ang mga Elites.



Nagmadali akong bumaba ng bahay at sumunod naman si Kurt. Pero kagaya na nga lang kanina, hindi ko sya hinayaang lumabas. Baka makita pa sya ng mga Elites.




Hindi ko alam pero may pakiramdam lang akong ayaw ko munang malaman nila na magkapatid kami ni Kurt. Baka mas maging komplikado lang ang lahat kapag nalaman nilang magkapatid kami. Lalo na ngayon na mainit na rin ang mata sa kanya ni Blaze.




Dirediretso akong lumabas ng gate at hindi na ako nagabala pang kumaway kay Kurt. Bumungad sa'kin ang may kahabaan na puting van.



Napangwi na lang ako. Pakiramdam ko may sundo ako para ihatid ako sa awards night. Yun bang mga van na ginagamit kung saan bumababa ang mga celebrity sa Hollywood at lalakad sa red carpet? Ganun ang datingan ng van kung saan ako sasakay kasama ang mga Elites.



Bago pa lamang ako pahakbang papalapit dito ay agad ng bumukas ang pinto at si Dwayne ang iniluwa dito. Bumaba pa ito at mabilis na lumapit sa'kin.



"Akin na yang mga dala mo." Aangal pa sana ako sa paghablot nya sa dalawang bag ko, kaso masyado syang mabilis at nakuha agad ang mga ito.



Hmm, gentleman naman pala.




Sya ang nauna sa'kin na umakyat sa van at sumunod lang ako.



Akala ko namamalikmata lang ako ng sandaling lumapat ang mga paa ko sa loob. Muntik ko ng isipin na nag-teleport ako bigla papunta sa isang pangmayamang bahay na hindi kalakihan. Pero hindi eh, sadyang literal na ginawang bahay ang loob ng van.



May mga mamahaling gamit, couch at appliances sa loob nito. Kung sa labas mo titignan ay itsurang mahaba lang itong van, pero kapag pumasok ka ay bukod pala sa mahaba, may kalaparan ito. Para na ring bus ang laki.



"Hello Miss Something!"


Bumaling ako sa kanang bahagi ng van kung saan nakaupo ang isang lalaking pamilyar sa'kin. Sino nga ba ulit ito?


ELITESHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin