Thirty Two

2.3K 96 22
                                    

Prinsesa

-


Tamad akong bumangon ng mapansin kong maliwanag na ang paligid.

Promise, nagugutom na ako dahil sa tinanghali ako ng gising, pero nawala ang gutom na yun ng maamoy ko na naman ang linuluto sa kusina sa baba ng bahay.

Urgh! Kurt and his undying hotdog!

Hindi ako nagkamali ng datnan ko syang nagluluto sa kusina. Akma pa nya akong aalukin ng niluluto nya at pinapaupo na ako sa mesa para makakain pero agad akong umiling. Ako ang magluluto ng kakainin ko.

Magkakasakit ka talaga sa ginagawa mo.” nasabi ko na lang habang pumipili ng maluluto sa loob ng fridge.

“Masarap naman ah.” ang laki laki ng pagkakangiti nya habang nagpiprito ng hotdog nya.

May pagsuot pa ng apron, akala mo naman ‘pro’ na sa kusina. Hotdog lang naman ang alam lutuin.

“Magaral ka naman minsan ng ibang maluluto. Hindi ka na dyan nagsawa.” muling sabi ko ng mahagilap ng kamay ko ang ham. Ito na lang siguro.

Nagtaka ako ng hindi agad sya sumagot kaya napatingin muli ako sa kanya.

Bigla syang nanahimik at nawala ang ngiti sa mga labi nya habang inihahanda ang kakainin nya sa mesa.

“Gawain dapat yun ng babae.” sagot nito.

Agad nyang tinusok ng tinidor ang hotdog na hinanda nya at agad na isinubo hindi pa man tuluyang nakakaupo.

Muntik ko ng isipin na ako ang pinatutungkulan nya at dapat ako ang nagaaral magluto, kaso mukhang hindi ako base sa pagbabago ng mood nya.

“Saka isa pa, hindi ba dapat Nanay ang gumagawa nun? Ang obligadong maghanda ng umagahan at hapunan ng mga anak na pumapasok at umuuwi galing eskwelahan.”

Nahihimigan ko ang hindi ko maipaliwanag kung lungkot ba o pagkadismaya sa boses nya. Inobserbahan ko lang sya sa pagkain habang hinahanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto ng sarili kong umagahan.

May tampo ka ba kay Mama?”

This is very unusual kay Kurt. Usually, dinadaan nya lang naman sa biro lahat. Kinukulit at nilalambing nya si Mama at never sya nangatwiran dito kahit anong panenermon at galit nito sa’min.

“Kay Mama? Wala.” mapakla itong tumawa habang ngumunguya. “Candid, curious ka na bang malaman kung sino sila?”

Agad akong napatigil sa pagbukas ng stove. Hindi ko inaasahan na bubuksan nya ang topic tungkol doon.

“Kasi ako,oo. That's why I'm doing my best para matapos na lahat ng hirap natin. Hindi lang para sa hustisya Candid. Ngayon gusto ko ng malaman lahat lahat. Kasi ang hirap pala talaga. Ang hirap manahimik lang sa isang tabi. ”

Bumigat ang pakiramdam ko sa naririnig mula kay Kurt. Hinarap ko sya at humila ng isang upuan upang umupo sa harapan nya.

ELITESWhere stories live. Discover now