VIII

95 30 4
                                    

"Hey, okay ka lang?" Ani Niesha habang nakahawak sa kaliwang balikat ko. Napatango ako. Umupo kami sa mga couch na nandito at ang iba naman ay naghanap ng tubig at inilahad sa akin. Tinanggap ko naman ito.

"Mabuti nalang at nandito kaming lahat. Kasi kung hindi, alam mo na ang susunod." Pagpapakalma sa akin ni Chelsea habang hinahagod ang likod ko.

"I don't really like that girl. You see, grabi yung ugali niya. Ganon na ba siya dati pa? It's getting into my nerves. Aura pa lang eh." Sabi ni Missy habang naka-crossed arms tapos yung kiray niya nagtatagpo na.

"Mabuti nalang at hindi ka nagsalita kasi any minute, iiyak kana eh," Sabi ni Garian habang tinitignan ako. Mata sa mata. Napabuntong hininga ako.

"Salamat sa inyo. Uhm, hindi naman siya dati ganiyan. Tsaka, narinig kong naghiwalay sila ng boyfriend niya pagkatapos kong lumipat."

"Alam ko na bes kung bakit nakipaghiwalay yung boyfriend niya sa kaniya," Sinasabi ni Chelsea to habang kausap si Niesha tapos tinataas-taas nila kiray nila na parang sinasabing "Ay, Alam ko iyan girl ano meaning mo."

"Okay na iyon. Tsaka, kahit hindi pa lubos na nawawala yung sakit, let's move on. Bahala siya diyan. Siya unang nagtraydor sakin at unang nagparamdam na hindi ako mahalaga. Naging tanga din dahil sa kaniya." Hindi ko pala namalayan na napaluha ako. Isa-isa namang nagsilabasan ito at pinapahid ni Missy.

"Shh, we are here. We will never leave you. Okay lang kung hindi mo sabihin sa amin yung nangyari sa'yo before you transfer in our school pero it doesn't matter.

"Focus on your studies more. Alagaan mo sarili mo. Lahat ng hindi mo nagawa dati, gawin mo. Sabi nga ni Garian, lahat ng di mo pa nagagawa or ginagawa sa iaang kaibigan, gawin natin." Pinakalma ko muna sarili ko at ngumiti." Ngumiti si Missy.

"Ganyan! That's my bestfriend!" Sabi agad ni Garian.

"Alright, what you are wearing will be your outfit for today." Agad na sabi ni Niesha habang si Missy and Chelsea may dalang damit din.

"Lahat ba iyan ay akin?" Napatigil ako habang nakatingim lang sa dami ng damit na dala dala nila. Tumango lamang silang dalawa. "No! Hindi pwede. Nakakahiya... Okay sige, pagmakaipon na ako, babayaran ko kayo." Biglang sumimangot yung dalawa at pigil-tawa naman si Garian tapos si Niesha napailing-iling. Agad namang kaming pumunta ng cashier yung dalawang sumimangot at sumunod sina Niesha and Garian. Ako naman ay nasa huli. Nakita naming nasa lounge si Veronica habang nakabusangot.

"I am really sorry for what my daughter did to your friend." Halos gusto kong takpan ang mukha ko kasi ang mga mukha ng mga kaibigan ko parang nangangain eh. Mataray masiyado.

"Dapat lang kasi isang tawag ko lang kay Daddy---" Napangisi si Niesha at nagingay ito na parang isang firework na magpapasabog palang. Napadilat naman ito sa mata. Lumabas ng counter at hinawakan sa kamay si Niesha habang tinitigan ito ng masama. Tinignan ko ito at parang nagsasabi naman ito ng totoo eh. Wala siyang alam sa ginawa ng anak niya.

"I'm really sorry, Ms.," tumingin ito sa akin at nagsmile lamang ako. "I didn't know she act like that. I hope you may change your mind." Sabi ni Mrs. Buenaventura.

"Well, its a warning for you that you should teach your daughter a lesson. Hindi po kami matapobre," Sabat ni Missy at halos manghina si Mrs.

"I'm really sorry. I hope you may accept my forgiveness," Hinawakan naman nito kamay ni Niesha. Dahan-dahan namang inialis ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya.

"I will never say anything, Ms. Buenaventura. You should focus on your daughter. Hindi ko kayang inaapi-api mga kaibigan ko. If she was being nice with her tone of voice, baka binalewala ko nalang iyon." Kinuha naman ni Niesha, Missy and Chelsea yung mga paper bags na nanduon lahat na piniling damit, tigdalawa silang paper bag at lumabas na kami sa store. Grabi itong binili nila huhu.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now