EPILOGUE

72 9 0
                                    

Simula nang tumuntong ako ng hayskul, walang araw ang hindi ako nakakatanggap ng masasamang salita dahil nga sa mahirap lang kami at akala nila ay inaagawan ko sila ng pwesto sa mga academic acknowledgements at mga taong mahal nila.

Hindi ko naman hinahangad na mapabilang pero dahil gusto kong sumikap na maahon ang aking pamilya sa kahirapan ay hindi ito maiiwasan. Hindi ko naman inaakalang iba pala ang hatid nila sa ganiyang bagay sa buhay nila.

Sa halos apat na taon na pagaaral ko sa LimeStone Academy, nagsilbi itong daan para makilala ang mga taong hindi ko kailanman inaakala na magiging parte ng buhay ko.

Si Garian Artemis VillaCorte, ang unang babaeng lumapit sa akin para makipagkilala. Kung hindi ko siya nakilala? Wala akong kakampi sa mga panahong sinasaktan ako ng iba.

"Thank you, Bess." Sabi ko nito habang hinawakan ko ang isang kamay nito at ngumiti. Ngumiti naman ito sa akin.

"Bakit?" May halong pagtataka naman ito kasi sa mga nagdaang araw, walang pakundangang pasasalamat ang sinasabi ko kaya halos lahat sila ay may ganiyang reaksiyon.

"Wala naman. Alam mo iyon, kung hindi ka nagpakilala, sa tingin mo may magiiba ba?" Umayo ito ng upo at tumingin sa akin ng maayos.

"Kahit man gawin ko iyon o hindi, alam kong magiging kaibigan kita." naramdaman kong mas hinigpitan pa nito ang paghawak ko sa kamay niya.

"Hi, girls! My beshies! Kamusta kayo?" biglaang sulpot naman nina Missy, Niesha and Chelsea na may dalang milktea. Isa isa naman silang nagdatingan na may hawak na mga cake at milktea. Binigyan naman ako ni Bambi ng tig-isang milktea at mocha cake. I mouthed him "thank you" at tumango ito at humalik sa noo ko.

"Okay lang, naman. Nagugutom na ako eh." Nagtawanan naman kami habang nagsisimula na kaming kumain sa snacks naming.

Nasa café kami ng eskwelahan dahil ito na ang huling araw naming bilang magaaral.

"Bukas na pala graduation day natin noh? Parang kalian lang..." sabi ni Giovanni na ikinatango naming lahat.

"Alam niyo yung parang pagkatapos nito, sana lahat tayo gagawin pa rin ang ganito." Ani Chelsea na medyo nagtatampo na rin.

"Magiging busy man tayo sa kaniya-kaniyang kinabukasan pero hindi mawawala sa atin ang iparamdam ang isa't isa na nandito para tumulong at damayan sa kung ano mang mangyari sa atin." Sabi ni Niesha na may pagkaseryoso sa boses nito.

"Alam niyo? Iniisip ko rin, paano kaya kapag hindi dumating si Rain? May magbabago ba sa takbo ng buhay natin?" Biglang tanong ni Missy na ikinatahimik naming.

"For me, nope, there will be no changes. And to think Rain was the reason that we became closer than before, makes sense. Maybe if she didn't transfer schools, we still be having a small but long barrier between our lives with each other. Oo nga at magkakaibigan tayo pero dahil palagi tayong mga busy at parang yung turingan nating lahat ay hindi yung kaibigan na ano meron tayo ngayon, baka mananatili lang iyon." Paliwanag ni Moran na ikinatango ng iba.

"At kung hindi dahil sa kaniya, hindi malalaman ng mga estudyante ng eskwelahan kung ano ang ginawa ni Erin at ang barkada niya. Kasi tignan mo... Yung mga estudyante ngayon mas maliwaliw pa kesa noon. Parang may tinik na natanggal sa mga puso nila. At dahil iyon sa babaeng ito." Sabi ni Poseidon habang nakatingin sa akin at pareho kami nakangiti.

Tinignan ko sila isa-isa at bumuntong hininga. Natatawa ako kasi alam mo yung seryoso na talaga sila tapos hito at gustong matawa, matawa sa tuwa kaya nanunubig ang aking mata.

"God really has a plan for everything even if you will experience such horrible events by someone. I know he definitely has a greater plan for you. So, do not ignore it and obey well.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now