XLIV

37 7 1
                                    

Pagkatapos ng tagpong iyon, kinagabihan ay dumalo kaming magpamilya sa family dinner kasama ang pamilya ng magiging asawa ni Ate. Medyo napatawa pa ako dahil nakita ko si Harry duon.

Remember the guy who is my guy friend in my former school? The one who carried me in a bridal style because I was being harassed by my own best friends?

It's Harry Sevilla. We talked about random things and how am I doing for the past four years. He also said that he has a girlfriend and nasa ibang bansa ito nagaaral pero filipina.

Ngayon, nasa room kami and my friends are at the cafeteria to buy some lunch while me hindi na kasi si Mama nagluto ng meal for me and Ate kaya para daw walang malaking gastos.

As soon as I finish my meal ay nakita ko naman si Maam Jassie na nasa pintuan at para itong may hinahanap.

"Is Ms. Rain Louise Torres present today?" Tumayo ako at itinaas ang kanang kamay. Tumango ito at ngumiti.

"Can you come with me to the Director's Office?"

"Hala ka, Rain! Paktay ka! Second day mo palang pero may demerits kana!" Pabirong sabi ni Donny na ikinaiba ng mukha ko. Napatawa naman ako sa sinabi ni Uri sa kaniya.

"Baka nakakalimutan mo, siya ang future director ng school natin, so paano siya magkakaroon ng demerits? Baka ikaw ang magkakameron ngayong taon. Patay ka!" Nagtawanan naman ang buong klasi at parang namutla ang mukha nito.

Umiling lamang ako at ngumiti. "No, I will not do that. Kahit naman may nagawa akong labag sa school rules, I will accept the punishment. At huwag magalala, Donny, hindi ka maga-guidance. I promise you that." Pagkatapos kong sabihin iyon ay parang halos mapapatumba naman ito sa pagtayo. Natawang tinulungan ito ng barkada niya.

Iniharap ko ang sarili ko kay Ms. Jassie.

"Maam? May problema po ba?" Nagsimula itong maglakad at sinundan ko lamang siya.

"How are you? I mean, kumusta ka ngayon? Payapa na ba ang nakaraang araw mo? Wala bang may umulit na makipagaway sa iyo?" Natatawang sabi ni Maam na hindi ko na rin mapigilang hinfi matawa.

"Maam? Dalawang taon na po ang nakalilipas at opo, okay naman na po ako ngayon. Wala na pong mga tao ang nangangaway sa akin. Mas naging friendly pa sila. Pero alam ko yung iba may hidden agenda sa pakikipagkaibigan pero hindi naman gaanong halata para sa akin." Tumango ito at nakita kong nasa office na kami ni Lolo.

Pinagbuksan ko si Maam Jassie ng pintuan at pinaunang pumasok. Nakita kong wala si Lolo dito at parang kami lang na dalawa ang nandito sa office.

Umupo si Maam sa isang swivel chair dito sa conference room nila Lolo at naglakad ako papunta sa mga swivel chair at pumili ng upuan.

"Hmmm, ano gusto mo? Juice, Coffee, or tea?"

"Apple juice nalang po." Tumango ito at tinungo ang isang refridgerator at may kinuha sa loob. Bumalik naman itong may dala ng juice. Zest-O apple. Habang inilalagay ko ang straw sa juice ay nagsimula itong magsalita.

"I brought you here because I just want to tell you something."

"Rejected po ba ako sa graduation list? May ginawa po ba akong mali within my three years of staying in the school po? Maam naman. Huwag kang mambitin. Kinakabahan ako eh." May kaba sa bawat salita na sinasabi ko kay Maam. Kasi naman, dalawa lang kami dito sa loob at ang tahimik pa.

Bigla naman itong tumawa na ikinataka ko. Umiling ito.

"Hindi, I just want to reveal something. I am the sister of one of the students here in the past who was bullied and harassed by Erin and her friends." Humingang malalim ito habang ako ay napatigil sa paginom ng juice.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now