IV

146 37 22
                                    

Isang buwan ang nakalipas...

May narinig akong kumatok. "Princess! Halika kana! It's time for you to wake up! It's 4 a.m." si Kuya Raizer iyon. May narinig naman akong may humikab.

"Yes, Baby. Malayo-layo pa biyahe niyo. And also, after duon sa school niyo, uuwi kayo ng Kuya mo and you will pack some things." napamulat ako. Pack my things? Hindi pwede! Nakarinig ako ng yabag na parang umalis.

"Yes, our princess will have her own condo unit..." si Kuya Damon iyon.

"Or should we say, Apartment!" masiglang wika ni kuya Chad.

Mabilis sa alas-kwatrong napatayo ako. "Ano? Binibiro niyo ba ako?" pagkabukas ko ng pinto, isang ngiti ni Ate Samara ang bumungad sakin.

"Good Morning, my little sister," bigla itong humalik sa pisngi ko and ginawa ko din kay ate iyon.

"Morning, Ate." natatawang nagsalita si Ate.

"I bet you are wondering why so sudden..." Iginiya ako ni Ate palabas.

"Lahat kami sumang-ayon sa plano ng mga Ate at Kuya mo na you will have your own condo unit. Kasi naman..." pababa na kami ng hagdan habang naririnig ko naman ang aming kusina na parang may nagluluto.

"Hindi pwedeng palaging magcocommute ka kaya, kaming lahat, nagtipon-tipon at magaambag ng pera para sa weekly allowance, gastos at kung ano-ano pa para sa pagaaral mo." hinawakan naman ni Ate ang baba ko at tinignan ako. Nagwink naman ito.

Napangiti ako. Mahilig talaga sila magsurprisa kahit dati pa.

"Oh? Nandito na pala prinsesa namin!" Kuya Raizer habang kumukuha ng plato at si Kuya Damon ay nagluluto ng almusal.

"Ang mga bata, Ate?" iginiya naman niya ako sa piniling upuan.

"Don't worry about them, may online class iyan kaya nandito lang silang lahat." tumango ako.

"At maguusap-usap tayo tungkol sa paglilipat mo ng bahay," Kuya Chad habang binibigay sa akin ang mabait niyang ngiti. Binigay ko naman ang matamis na ngiti ko din.

Umupo si Ate Samara sa tabi ko. Si Kuya Damon sa gitna ng lamesa, kung saan inuupuan ni Papa, Kuya Raizer sa tapat ko habang si Kuya Chad sa katabi naman niya.

"Let's all eat first and we will discuss it later on." Napatango ako habang si Kuya Damon ay nakatingin sa akin na may pagkastrikto.

Isa-isa nila akong kinukumusta habang kumakain at makalipas at ilang minuto ay nagsalita si Kuya Damon. Pagkatapos nila ilahad ang mga plano nila na lilipat na ako ng bahay sa plinano nilang condominium at mga payo para sa akin pagkatapos kumain, naglipit kami ng aming pinagkainan habang si Ate Samara ang naghugas ng pinagkainan namin.

Isa-isa silang yayakap sakin at minsan hahalik sa nuo ko. Ang mga Kuya ko ay hindi ako kinakalimutan na bigyan ako ng pagmamahal at atensiyon. May tradisyon nga sila niyan pagkatapos kumain at aalis, gagawin nila iyan. Ewan ko pero may meaning iyon eh.

Nakapagayos na ako ng aking damit at naligo na rin. Kinuha ko naman ang aking bag na hinanda ko pa kagabi. Bumukas ang pintuan at bumungad ito sina Mama at Papa.

"How was it, Anak? Okay lang ba na magboard ka muna?" nakita ko naman si Papa na nangiti at hinawakan ang isang kamay sa balikat ni papa at hinawakan ako ni papa sa kabila kong shoulders. Parang niyayakap kami ni Papa sa posisyon namin.

"Oo naman, Mama. Tsaka, kayo naman po nagapproved diba? Kaya hindi ako magrereklamo and ayoko namang madissappoint sila Ate at Kuya, kaya tinanggap ko." tinignan ko sila. "Magsusumikap po ako habang nanduon po, Mama. Hindi ko po kayo bibiguin."

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon