XXVII

45 14 1
                                    

Ilang minuto din akong nasa lugar na iyon at mabuti na lamang konti lang ang dumadaan kaya napahinga ako ng maluwag. Walang nakakita saking umiyak.

Nuong triny kong pumunta sa kwarto naming, take note, naka-sakay pa ako ng wheelchair kanina ay biglang may humawak sa handle at nuong tinignan ko ay biglang umiwalas ang aking pakiramdam.

Si Cass! Oh, namiss ko ang babaeng ito ng sobra. Tiyempo naman kasing papunta daw siya sa room ko nuong nakita niya akong nakawheel chair. Tinanong ko nga siya kung paano niya ako nakilala eh nakatalikod ako. Bestfriend instincts daw.

Nagtaka nga siya kung bakit ako nakawheelchair at sinabi ko sa kaniya yung reason at muntikan na siyang sumugod kay Erin nuon na nasa kwarto lang din tumatambay. Nakita kong ngumisi lamang iyon si Erin sa inasta ni Cass kaya sinuway ko na lamang.

Ngayon ay past 6 pm na. May activity ngayon sa hall kaya nandito kami.

Mga activities na nakakaenganyong maglaro. Pero dahil hindi pa nga ako okay dahil sa sprain ko ay nanatili akong nakawheel chair pero mabuti na lamang ay may mga indoor games at kalaro ko si Cass ng Snake and Ladder.

Dito sa hall ay may iba't ibang corners ng palaro. May chess, yung samin, tapos may ibang nagfoform ng circle.

Kumbaga ang mga students ngayon wala talagang pakialaman kung anong gagawin.

Pwede naming gawin ang gusto naming. Pangalawang araw palang naman at sabi sa amin na dito lang ang lahat sa hall. Madami namang pwede gawin eh kaya naaliw ang lahat ng estudyante.

"Yes! Nanalo ako!" Sabi ko at nakipag-apir sakin si Cass. Tumingin ito ng makahulugan sa akin. "Yes, Bes? May kailangan ka bang sabihin?"

Bumuntong hininga ito at nagsalita. "Its about Kuya, Rain." Automatic namang nagiba ang paningin ko. Nagsisimulang manubig ang aking mga mata.

"Tell me, anong ginawa niya sayo? Nagaway ba kayo? Kasi nakita ko iyon kanina hindi ako pinansin, inignore lang ako ng mokong iyon..."

"Ah-Ah ano kas-si..." hinawakan nito ang kamay ko at naging hudyat iyon para magsimula akong umiyak. "Si Poseidon... Iniwan ako sa fountain mag-isa... sabi niya, we should give each others space... Cass... sabi niya nagseselos siya... P-Pero wala na-naman siyang dapat ikaselos kasi sa kaniya lang ako-o..." lumapit ito sa akin at yinakap ako sa gilid at hinahagod ang likod ko.

"Cass, may mali ba akong gi-ginawa? Na-Nakita niya ka-kasing may ka-kahawak ako-kong lalaki dahil nga hini-hinihilot yung paa ko sa sp-sprain tapos nakita niya ka-kami ni Thyler tapos nuong naka-ka labas kami ay tinungo namin ang fountain...." tumigil ako sa pagsalita muna.

Ang sakit masiyado. Patuloy lamang ang pagragasa ng luha ko ng may nagsalita.

"Rain? Why? Ano 'to? Ba't umiiyak iyan?" Suminghot ako at pinahid muna ang luha at kinuha ang panyo at inalis ang nakabarang tubig sa ilong ko.

Mapungay-pungay ang aking matang tinignan kung sino ito.

"Garian..."

"Bakit umiiyak ka? Huh?" Napansin ko ring nasa likod sina Niesha and Chelsea at pumunta sa kanan ko, lumuhod para pantayan ang mukha ko.

"What happened to you? Bakit ka nakawheel chair?" Sabi ni Chelsea at nito ang kamay ko.

"Cassidy? Ano nangyari dito? Bakit umiiyak bestfriend natin?" Rinig kong sabi ni Niesha kay Cass.

"Rain, sabihin mo na. Mga kaibigan mo naghihintay ng paliwanag..."

"Rain, we will listen kaya please sabihin mo na." Umupo si Giovanni at tinignan ako ng mabuti.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now