XXVIII

54 18 3
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

Hall.

Habang masaya ang lahat sa patuloy na laro biglang may isang taong pumunta sa stage at inagaw ang mikropono sa host. Humingi naman ito ng paumanhin.

"ATTENTION LSA! MAY MASAMA AKONG BALITA. NAKITA KO SI RAIN...."

Biglang nagbulung-bulungan ang mga estudyante. Ang mag kaibigan ni Rain na sina Garian at ang iba ay biglang tumayo sa pwesto nila. Nagtinginan sila at mabilis na tumakbo papunta sa harapan.

"Hindi ko alam siya ba iyon pero diba si Rain nakawheelchair?" Biglang kinabahan si Garian. Siya kasi ang huling nakasama nito.

"ITULOY MO YUNG SASABIHIN MO BERNARD ANO BA?!" Sigaw na sabi ni Giovanni habang inaawat siya nila Niesha at Chelsea.

Si Missy naman ay umiiyak sa likod habang si Moran ang nagpapatahan nito. Si Cassidy naman ay biglang hinawakan ang kamay ni Garian at ikinalingon iyon ni Garian at isiniklop nito ang kamay ng mabuti

Huminga muna ito si Bernard bago sabihin ang susunod na kataga.

"MA-MAY TUMU-L-LAK SA KAN-YA DU-UO-ON SA BAN-GIN! Hi-hindi ko makita ang mukha ng tumulak sa kaniya pero sigurado akong si Rain iyon babaeng nakawheel na nakita ko."

Nanginginig na sinasambit ito ni Bernard habang pinagpapawisan sa harapan ng maraming tao.

At biglang malakas na sigaw at gulat ang maririnig ng hall dahilan sa reaction ng lahat ng LSA.

Isa-isang umalis ang mga tao sa hall upang hanapin si Rain. May nagkakandarapa pang lumabas dahil sa labis na pagalala at gulat habang ang mga kaibigan nito ay tulala lamang at hindi makapaniwala sa nalaman sa kaibigan nilang si Rain Louise.

# # # # #

Gabi na pero ang mga tao na nasa camp site ay tila hindi mapakali sa nangyari sa kapwa mag-aaral.

Karamihan sa iba ay nagtungo sa field kung saan pwedeng manuod ng star gazing at duon din mismo naganap ang aksidente.

Ang Presidente naman at ang Bise-Presidente ay nangunguna sa pagsusuway sa mga estudyanteng lumapit sa kinaroroonan ng aksidente.

Mayroon na ring mga pulis na nanduon sa baba upang magsagawa ng search and rescue para kay Rain.

"I want you all to calm down and go back to the Hall. The authories will immediately report us if they find her. For now, lets go back." May diin ang pagkakasabi ng kanilang Bise-Presidente habang ang mga tingin ng mga estudyante ay parang ayaw umalis hanggat hindi nakikita si Rain.

"Students, as your President in LSA, please, let the authorities do their job to look out for our schoolmate, okay? I know we are all worried about Rain but please! It's past twelve am at midnight and most of you are sleepy. Now! Go back to your Rooms and have a peaceful sleep!" Makikita mo sa mukha ang frustration ng kanilang Presidente na si Havilah habang si John Grothe naman ay may kausap sa telepono.

Sa kabilang dako naman, ang mga kaibigan ni Rain na sina Moran, Giovanni, Garian, Chelsea, Neisha, Missy at ang kanyang manliligaw na si Poseidon ay agarang naglakad ng mabilis papunta sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente.

Minadaling pumalapit si Poseidon sa katapusan ng lugar na iyon para makita ang ginagawang search and rescue para kay Rain pero pinigilan siya nito ng dalawang Pulis.

"Sir! Please! Tutulong po ako sa paghahanap! Please, paraanan niyo po ako!" Pagpupumiglas nito sa nakahawak sa kaniyang kamay na mga pulis.

"Sir, pinagbabawalan po tayong pumunta sa baba. Para narin hindi mabahid ang ano mang ebedensiya na makikita sa crime scene." Patuloy parin sa pagpupumiglas si Poseidon habang ang tatlong kababaihan na sina Niesha, Chelsea and Missy ay umiiyak habang magkahawak ang kamay.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now