XLV

30 7 0
                                    

Habang naglalakad kami ay sinimulan niya ang pakwekwento.

"Naalala mo first day ng pagkikita natin?"

"Oo, Enrollment day iyon. Si Kuya Neon non ang nakita ko tapos parang sinungitan ko pa sila non kasi ang daming kababaihan ang nagtititili tapos ang daming sinabi, to the point, nairita ako. Tapos nuong lumabas ako ng school duon ako nakita ni Cass." Speaking of Cass, nasaan kaya iyong babaeng iyon?

"Nasa bahay si Cass. Hinhintay ka pero dahil nalaman kong may meeting ka pala mamaya ay sa friday nalang daw kayo magkita para sleep over agad." Ngumiti ako at tumango. Inilagay ko ang ulo ko sa ibabaw ng balikat nito habang patuloy na tinatahak ang daan papunta sa room ko.

Wala pa kasi kaming teacher sa sub na iti dahil sabi naka onleave daw.

"Alam mo iyon, tatlong taon na rin tayo at dami nating pinagdaanan. Halos, yung panahon na dapat sa atin, sa mga priorities natin ginagawa pero tignan mo, nasa apat na taon na ako tapos ikaw limang taon na sa engineer course mo."

"Hindi ko rin inaakala na darating tayo sa punto kung saan parang gusto kong mas mapabuti pa ang pagaaral ko dahil may kinabukasan pa akong haharapin sa iyo, Bambi,"

"Ako din, at nasa huling taon naman na tayo sa ating pagaaral konting tiis nalang, hmmm? Gusto ko after three years, magpapakasal tayo." Bigla naman akong humiwalay sa kaniya at ipinagtaka niya iyon.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Hindi pero..."

"Kaya nga tatlong taon dahil, kukuha ka pa ng master's degree at magaaral para sa licensure exam at ako rin. Hihintayin kita at sa approval ng parents mo. Hindi ako gagawa muna ng isa pang hakbang kung walang permiso sa mga magulang mo, Bambi at sa iyo. Alam mo iyan," napatango lamang ako at humalik sa noo niya. Natawa nga ito dahil kailangan ko pang tumingkad ng konti kasi matangkad ito. Nasa 5'9 kasi ito tapos ako 5'5.

"Thank you, Bambi." Ngumiti ako at niyakap siya. "Thank you too so much, my Bambi. I love you." Naramdaman kong mas hinigpitan niya ang yakap niya.

"I love you too, Bambi." Napatawa kami pareho at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Kung ayain kitang magpaksal bukas, okay lang ba sa iyo iyon?" Biglang tanong nito na napa-O ang bibig ko saka ko siya hinambalos ng kamay sa braso.

"Ano ka? Kakasimula palang ng fourth year natin Bambi tapos ikaw magaaya ka ng kasal? Tumigil ka! Nakatingin sa atin si Lolo!" Biglang tumigil ito at umayos ng tindig.

"Saan? Wala nga eh. Ikaw ha! Napapadalas na biro mo." Nagsimulang maglakad ito na nakaharap sakin tapos pigil ang tawa ko ng makaharap ng likod niya si Lolo.

Tumalikod ito para makita kong bakit at ganon na lamang ang pagkagulat nito at pasimpleng inayos ang sarili habang tumingin sa akin at sinesenyasan akong bakit hindi ko raw sinabi.

Lumapit ako sa tabi niya at nagmano ako kay Lolo. Humarap naman ito sa kaniya at nahihiyang nagmano.

"Hanggang ngayon, wala pa rin kayong pinagbago, kayo pa rin hanggang ngayon at masaya ako dahil malapit na kayong magtapos sa pagaaral."

"Salamat po, Lolo." Ngumiti kami at tumango ito.

"Sabihan mo ko Apo, kapag magpapakasal na kayo ah? May ibibigay ako sa inyo."

"Lolo, magaaral pa po kami ni Poseidon tsaka, babawi pa ako sa inyo diba Lolo?" Tumango si Poseidon pero umiling si Lolo.

"Hindi, three years after dapat magpakasal kayo, gusto kong makita ang mga apo kong kinakasal habang ako'y nabubuhay."

"Lolo naman!"

"Tsk! Hindi na ako bumabata Ija, nasa edad na ako ng pitong-dalawa at kapag dinagdagan nang tatlo ay pitong-limang taon na ako non. Hindi ko na makakalaro ang mga apo ko."

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon