XII

60 18 2
                                    

Pagkatapos ng meeting kasama sila, kinabukasan, nalaman ni Kuya na hindi maganda pakiramdam ko kasi hindi ko namalayang nasabi ko pala kay Garian. At take note, matindi yung sermon sakin ni Garian over the phone.

Pero ito ay isang napakagandang pakiramdam kasi may nag-aalala pala sa akin. Pagkatapos noon, pumunta si Kuya sa condo ko at sinermonan ulit ako. Hindi ko naman kasi alam na uuwi siya dito. Ayun tuloy, duon siya sa condo ko natulog ng gabing iyon. Pero napangiti ako ng tahimik sa isipan na iyon. Inaalagaan talaga ako ni Kuya Raizer kahit nagkakaasaran minsan.

Nagyon naman ay huwebes. Hanggang ngayon, palaging nang busy ang aming mga guro, kaya minsan ay wala kaming pasok. Si Garian naman ay palaging nasa meetings kasi siya nga yung President sa room namin at ang ibang officers din ay kasama niya. Yung iba namin mga kaklasi ay nasa campus lang din.

Ito ay ang buwan na matagal ang break sa amin. May mga class pa naman kami pero madalng lang. Nasa school kami pero hindi halos buong araw may gagawin.

Sa una, habang naglalakad ako may biglang nagbibigay sakin ng liham. Siyempre, dahil curious ako ay binabasa ko ito. Hindi k alam kung sino pero sa tingin ko, may crush ako sa taong ito. Hindi pa naman ako matagal dito pero nakakatanggap na ako ng mga liham tatlong lingo na ang nakalilipas.

Hindi ko lang masabihan mga kaibigan ko kasi hindi ko pa naman makumpirma kung seryoso nga itong nagpapadala.

Nasa may field ako ng campus namin. Ang mabuti dito kahit ang lawak ng field, may puno pa rin kaya ito yung silbing shade ko sa ilalim ng sikat ng araw.

Binabasa ko ngayon ang sulat na binigay kanina ng isang grade ten student at biglang may nakita akong dalawang sapatos na panglalaki. Iginiya ng mata ko galing sa baba hanggang tumaas at napagtantong si Kuya Poseidon pala ito.

Nakita kong ngumiti ito, hindi lang sa mga labi kundi, pati na rin sa mga mata. Parang kuminang ito.

"Hey! How are you?" Nakatayo lamang ito habang ako naupo lang. Yumakap ito sa akin at yumakap ako pabalik.

"Okay lang naman ako, Kuya. Ikaw, ano ginagawa mo dito?" bigla itong hindi nakapagsalita.

"Ha? Ahhh, wala. Nakita kasi kitang nakaupo dito sa ilalim ng puno kaya nandito ako ngayon." Bigla itong tumingin sa hinahawakan kong letter. "And alam ko din kung sinong nagbibigay sa iyo ng letter." ngumiti ito ng makahulugan

Napatayo ako. "Sino, Kuya? Sino? Gusto ko na siyang makilala. Mahigit isang buwan na rin siyang---"

"Ako." Napatigil ako. Ano? Si Kuya? Hindi maaari...

"Sigurado ka ba, Kuya? O baka hindi ikaw kasi sinabihan ka lang niya? Aminin na Kuya, sino nga---" Napatigil ako nang magsimula itong lumapit sa akin.

"One last question Rain, hindi ako magdadalawang isip na halikan kita. Stop with the random questions." Pero? Ang labo naman masiyado eh.

"Okay. Ganito. Kuya, paanong ikaw? Ang layo-layo mo nga sakin eh. Tapos hindi naman tayo palaging nagkikita? Busy ka sa mga schoolworks mo at malayo yung room mo sa amin. Tapos Kuya, hindi ako naniniwalang ikaw ito kasi magkaiba kayo ng ugali---"

Hinawakan niya ang kanang kamay ko upang tumayo ako at napatayo ako dahil sa malakas itong binunot ang kamay ko at inilagay ang isang kamay sa bewang ko at hinalikan ako. Mulat pa rin ang aking mga mata habang humalik si Kuya.

Unti-unti naman nitong humiwalay sa akin tapos ako tulala pa rin. Ano bang nangyayari? Mas lumaki pa ang mata ko nang mapagtanto ko kung ano iyon. Iyon ay first kiss ko! Hindi!

Naramdaman ko parang may konting paru-paru sa tiyan ko at uminit ang pisngi ko. Hula kong namumula na ngayon ang mukha ko. Si Kuya naman tumalikod ito sa akin. Ang puso ko... Hi-Hindi k-ko alam a-anong ma-ma-mararamdaman ko

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now