XXXV

28 6 1
                                    

After three weeks, The Day...

Four pm in the afternoon. Yung ang sabi ng orasan sa kaliwang bahagi dito sa room ko.

Sila Papa nasa bahay dahil may kukuhanin daw silang damit para sakin. Napailing iling nalang ako kasi parang magtatagal pa ako dito.

Ako lang ang magisa na nandito at nauumay na ako kaya, tinawagan ko si Kuya Damon. Sinabi ko sa kaniya ang plano ko pero ayun nga, alam kong magagalit siya dahil dito.

Dumating sila Ate Samara at Ate Harmony kasama ang paborito kong cake.

"Sabi ni Kuya Damon pumunta daw kami dito kasi may sasabihin ka. Ano ba iyon?" pumunta naman si Ate Samara sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi at hinaplos ang aking buhok

"Wala naman. Namiss ko lang kayo." Nakita kong si Ate Harmony ay pumunta sa fridgerator at binuksan. May hawak itong plastic na puno ng groceries.

"Matakaw ka talaga, Rain Dear, alam mo ba iyon? Inubos mo na yung limang araw stocks dito na nilagay namin." Pagkatapos niyang inilagay ang mga ibinili sa fridge, tumingin ito ng natatawa. "pero ubos na yung nanduon kanina."

"Sorry po. Gutom lang. Tsaka sabi naman ng doctor na, pwede na akong kumain ng pagkain na kinakain natin na normal lang. Basta't hindi junkfoods."

"Its fine. Okay lang samin. Ikaw lang naman nagiisa naming princess." Ngumiti ako ng mapait dahil sa gitna ng mga lingo na ito, bumalik ang mga alaala ko at nakita kong nagsinungaling sila sakin.

Ilang minuto din ay nakarating sina Mama at Papa, kasama ang iba ko pang magkakapatid.

"Wow naman, reunion ito?" Kuya Chad biro nitong sabi at lahat kami ay nagtawanan.

Si Mama ay lumapit sa bed ko at tumabi sakin sa hospital bed ko.

Nakangiti si Mama sa akit at ngumiti din ako pabalik. Dahil wala kaming masabi, nagtawanan lang kami hanggang sa marinig ko ang pintuan na bumukas at iniluwa iyon ang matagal ko ng gustong makita.

Napangisi ako habang sinisimulan ang plano ko. At ang resulta? Ayun nga, naging maganda naman.

Pagkatapos ng araw na iyon ay sinabihan kami ng doctor na pwede na kaming umuwi kaya tahimik kaming nagbiyahe papuntang bahay kahit gabi na iyon.

Si Ate Lauren? Ayun, bumalik sa bahay niya. Alangan namang pumunta sa bahay pero ganon na lamang ang gulat namin nuong nasa bahay ito, may dalang maleta.

Pababa kami ng sasakyan at nilapitan siya nina Papa.

"Lauren, anak? Anong ginagawa mo dito?" Hinawakan niya ito sa braso at si Mama naman ay lumapit dito at hinawakan ang maleta nito.

"Ibig sabihin ba nito Anak, dito kana titira sa amin? Paano ang Lolo mo? Pumayag ba siya?"

"Opo Mama. Pumayag naman na siya na sa inyo ako tumira. Nuong sinabihan niya akong pwede na akong bumalik dito sa Pilipinas ay may laya na akong magdedisisyon sa sarili ko."

"Mabuti naman at nandito kana. May makakasama na si Rain sa kwarto niya. Hindi na siya mag-isa. Diba anak?" Tumingin sakin si Papa pero hindi ko na lamang sila kinibo at padabog akong lumakad papunta sa loob ng bahay.

Narinig ko pa ang pagsigaw ni Papa at iba ko pang mga kapatid pero wala akong pakialam. Kailangan kong mapagtagumpayan ang aking plano.

Baka dahil sa pagiging mabuti ko, hindi ko magawa ng naaayon sa plano ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay naamoy ko ang halimuyak ng bahay namin at napapikit. I missed my home. Namiss ko ang simoy ng bahay namin compared sa condo ko.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon