XXIII

37 17 5
                                    

Tumango kami at lumabas sa room. Nakita naming halos sampung tao ang nasa harapan ng booth namin. Nagmadali namang pumunta sa harapan si Garian at nagpaliwanag na nagkaroon lang ng meeting at humingi ng patawad dahil sa humaba ang pila.

May nagsabi namang okay lang dahil kaya naman nilang maghintay at hindi alintanang matagal na ikinatuwa naming marinig lahat iyon.

Yung ibang kaklasi ko ay lumapit sa ibang customers na nagaantay at kinuha ang orders nito para hindi na mainip. Halos ganoon ang routine namin. Ako naman ang taga-crash ng ice kapag oras na merong bibili.

Hindi ko nga halos namalayan ang oras dahil sa ang daming bumibili sa amin. Hindi pa kami nakakaupo ng dalawang minuto, may pupunta sa harapan namin para magorder ng pagkain at iinumin.

Nagtipon tipon ulit kaming lahat sa room at pinakita ni Garian sa amin ang nalikom na pera.

"Five thousand pesos..." huli niyang sabi na ikinatigil namin.

"5k? Wow naman! Ang astig natin!" Malakas na sabi ni Katarina. Duon din nagsimulang magingay ang magkaklasi ko.

5k? Ang dami non pero worth it naman yung pagod namin. Halos naubos yung supplies namin pero dahil field trip namin bukas. Uuwi kami ngayong masaya ang puso dahil maraming customers ang pumunta sa amin.

"Let's call it a day guys! Wrap things up! It nearly 5 in the afternoon." Automatikong nagkaniya-kaniyang gawa kaming magklaklasi.

May nagwalis, nagayos ng upuan, nilinis ang table, at ako naman ay kinuha ang mga ginamit sa pagshake at mga measuring spoons and cups.

Habang patungo sa water faucet dito sa school, may biglang tumabi sakin na kahit hindi na ako lumingon ay kilala ko naman ito dahil sa pabango. I love his scent.

Bigla lamang ito idinikit ang katawan at magigitla sana ako pero hindi natuloy dahil humalik lamang ito sa ibabaw ng ulo ko. Inilpag ko muna sa gilid ang mga huhugasan at tinignan muna siya.

"Hi Poseidon. How are you? Kumusta booths niyo? Kumusta araw mo? Naging masaya kaba kasama ang mga kaklasi mo?"

Nuong makalipas ang dalawangpung segundo pero hindi pa rin ito nagsalita ay tinalikuran ko ito at sinimulang maghugas.

"I'm fine. Maganda din income na nakuha namin. My day went okay pero mas magiging masaya sana kung nasa paningin kita kanina. Kung saan nakikita kita at namamasdan kahit sa malayo." Napangiti ako ng lihim.

"Okay lang iyan. Atleast, ngayon nakita mon a ako. Sabay na tayong umuwi. Namiss din kita eh." Mas lumapad naman ngiti habang nakatalikod sa kaniya.

Tila naging tahimik ang paligid, akala ko wala siya sa likuran ko. Nang nilingon ko siya ay nakita kong namumula yung kaliwang pisngi nito at nakatalikod sa'kin.

"Namumula ka ba? Wow. Napakilig ko pala ang isang Poseidon Lexon Domingo at dahil iyon sa akin." Natatawang humarap ako sa kaniya at hinawakan ang mukha nito.

"Thank you..." Napatigil ako sa pagtutukso sa kaniya. "Thank you for accepting me that I will court you. You don't know how happy I am na halos botong-boto sakin family mo."

"Oo naman, dahil kilala ka nila at alam nilang hindi ka gagawa ng ikagagalit nila, kaya pinagkakatiwalaan ka nila, Poseidon."

Pagkatapos ng paghuhugas ko ay tinulungan niya akong i-bitbit ang mga gamit papunta sa booth namin.

Nuong nakita nila ako na katabi si Poseidon, halos tumitili ang iba at naririnig kong nagsasabing sanaol. Napailing-iling na lamang ako sa reaksyon nila.

"Wow naman. Ihahatid mo siya?" Tanong ng classmate ko na halos yung ngiti ay nasa kabilang bawat tainga.

Tumango lamang si Poseidon at tumabi sakin sina Niesha and Chelsea.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon