XXXVIII

20 7 1
                                    

Dahil sa inis ko ay binilisan ko pa ang aking lakad at nuong nakarating ako sa harapan ay humanap ako nang mikropono at in-on iyon.

"Makinig kayo!" Hingal kong sabi habang hawak ang mikropono. Nakikita kong parami nang parami ang mga taong pumapasok sa gym.

"Ikaw ang makinig sa amin! You feel na akala mo bida kana kasi nasa LSA ka! Tapos maririnig naming apo ka ni Don Alejandro? Bakit? Dahil ba sa parehas kayo ng apelyido? Dream on!" Tumawa naman ang isang senior college student at ang iba naman ay nakitawa.

"Oo! May kambal ako! Pero anong kinalaman nang kakambal ko sa inyong buhay? Diba wala?! Atsaka, ang punto ko na si Erin ang nagsisinungaling! Siya ang nangbu-bully sa akin! Sinakal niya ako! Sinampal niya ako! Siya ang nagtulak sa akin sa bangin nuong nasa camp tayo."

"Don't mention names without even showing us some evidences. Ano iyon? Gusto mo lang sabihin para kaawaan ka? How low you are," Tinignan ko si Erin at nakangisi ito habang nagtatawanan naman ang mga barkada nito.

Pupuntahan ko sana siya nang may pumigil sa akin. Nilingon ko naman ito at halos hindi muna ako makahinga dahil sa taong ito.

"Don't. Hayaan mo lang. Mas lalaki pa ang issue kapag pinatulan mo pa. Nasa public tayo, maraming nakakakita," padabog ko itong binitawan ang kamay na nasa braso ko at tinignan siya.

"Hayaan lang? Poseidon! Siya yung dahilan na muntik na akong mamatay! Anong hahayaan lang! Ikaw, Erin! Huwag mong madamy damay ang Ate ko dito! Ginawa niya lang iyon for you to have a lesson to remember!" Hinihingal na sabi ko habang ito naman ay papunta sa stage kung saan naruon ako.

"Aww, panatag ka na dahil magkasama na kayo nang Ate mo? So, may naaalala kana? Walang panama iyang pagbabago nang hairstyle mo o kung ano pang suot mo at kilos dahil ikaw pa rin ang Rain Louise na mahina, mangmang at walang lugar dito sa school na 'to.

I've warned you for the very first time that you need to transfer schools dahil kung hindi makikita mo ang ayaw mong makita ulit. Wala kang kaibigan dito Rain, hindi ka karapat dapat dito sa school na to. And oh, by the way, you're not even rich to fit here in this school, right guys!?"

Mayroon din siyang hawak na microphone kaya rinig namg buong lugar ang sinasabi niya. Narinig ko naman ang hiyawan nila.

"See? All LSA students are agree on my statement, so for the last time, I am warning you, leave now!" Sabi nito habang nakakuyom ang kamay nito at nanngangalaiti sa sama ng loob. Naramdaman kong hinawakan ako ni Poseidon ulit pero padabog ko itong binitiwan at tinignan ito nang masama.

Lumingon ako ulit kay Erin at sa mga kaibigan nito at napangisi. Nakita ko namang napatulala ang iba sa kanila at matiim na tinignan si Erin.

"Erin, akala mo ba dahil sa pagsasabi sa buong student body ng LSA tungkol sa kambal ko, matatakot na ko sa iyo? No! Hindi ako matatakot! Bakit ako matatakot? Wala nang panama sa akin iyang threaths mo sa akin! Kahit ipagsigawan mo pa! Okay lang! Hindi ako natatakot! Mas ikinatuwa ko pa na malaman nilang may kakambal ako! At, pagsigawan mo ring binully ako nang mga kaibigan ko sa dati kong school!

"sabihin mo nga sa akin, naiingit ka ba?" Bumuga ito ng hangin hangin at natawa.

"Ako? Maiingit? Bakit naman ako maiingit sa iyo? Hampas lupa ka naman."

"Kung hindi ka naiingit, bakit... bakit umiiba ang ekspresiyon mo kapag magkasama kami ni Garian? Bakit nagagalit ka kapag nakikita mo kaming magkasama? Dahil ba hindi ka niya kaibigan? Tsaka Erin, isa kana sa mga matatalinong estudyante dito sa school at kilala ka dito pero bakit ako pinagbubuntungan mo nang galit kapag nakikita mong ako na ang mas pinapansin nang lahat at hindi na ikaw? Hindi ba dapat mapanatag ka kasi nasa itaas kana? Bakit mo papababain masiyado ang nasa baba? Para ayaw mong masikatan din nang araw?

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon