XXI

54 16 1
                                    

"Hi, Rain! Kamusta, eto oh, flowers. Sana matanggap mo apology ko dahil sa ginawa ko sa nakaraang linggo." Tinignan ko naman nito habang hawak ang boquet of flowers.

Para hindi mahalata ni Erin na may ginawa nga si Kenneth ay tinaggap ko na lamang ito bilang respeto.

"Thank you." Ngiti kong pilit habang si Kenneth ay ngumiti rin.

"Sige, Rain. Alis na kami. Punta ulit kami sa pwesto namin. Gusto ka lamang namin makita." Ani Martin at nakita kong isa-isa silang tumayo.

Tumayo din ako at nagpaalam sa kanila. Sinabi naman nila na babalik sila mamaya para bisitahin ako pagkatapos ng event. Tumango lamang ako at nagsimula silang lumakad. Inamoy ko naman ang mga bulalak.

Hmmm. Mabango ang mga ito. Muli, sinenyasan kami ng organizer na in sampung minute ay i-aannounce ng mga host ang mga nanalo sa round na ito.

Nakita ko naman ang huling contestant na pumasok sa room namin hudyat na tapos na ang College category. Pagkaraan ng sampung minuto ay hinudyat na pumunta kaming lahat sa stage para sa results.

Malakas na hiyawan ang aking narinig habang papalapit sa stage. Nuong nasa stage na ang lahat ng contestant ay nagsimula ng ipahayag ang mga nanalo sa round na ito. Inuna muna nila ang elementary hanggang papunta sa college.

"And now for college category..." ani ni Kuya John habang kami naman ay nasa gitna ng stage. "The 2nd runner up is..." naging tahimik ang paligid habang hinihintay ang ibubunying pangalan.

"Bueno! Congratulations." Malakas na palakpakan at hiyaw naman ang naging response ng mga tao. Kami din ay natuwa at pinalakpakan si Mr. Bueno habang pumupunta sa gawi ng Host.

"Okay, for the First Runner Up. Drum rolls please." Narinig din namin sa speaker ang mga tunog ng drums na tinutogtog na mabilis.

"For the first runner up goes to! Ms. Maniega! Congratulations." Sabay sabi ng dalawang host at malakas na hiyawan ulit ang ginawa ng madla. Pumalakpak ulit kaming tatlo. Naririnig ko rin ang ginawang cheer ng aking mga kaklasi.

"Look at this Partner! Tatlo nalang ang natitira. Sino kaya ang nanalo for this round? May hint kaba?" Ani ni Ate.

"Alam ko na kung sino Partner ang nanalo for this round. Simula pa lamang ay sinupportahan ko na ito kahit sa audition palang." Ani Kuya John.

"Look our President has already pick his vote for our contestant. Kayo LSA, sino ang pambato niyo?"

"GALAPON! GALAPON!"

"SITON! SITON!"

"TORRES! YES! YES! TORRES! GO RAIN! WOHOOOO!"

"Grabi, excited na ang buong LSA. Tara na, huwag ng patumpik tumpik pa. The winner for this round is no other than...." Tila naging tahimik uli ang mga tao at halos naririnig ko ang kalabog sa aking dibdib.

"For this rounds champion, give it up for Ms...

Rain Louise Torres!"

Napaupo ako habang umiiyak. Naramdaman ko namang yinakap ako ng ibang contestant habang sinasabinang kanilang greetings. Malakas naman na hiyaw ulit ang aming naririnig habang ang mga kaklasi ko ay ginawa ang chant nila pero mas malakas na ngayon.

Nuong tumayo ako ay pinapahid ko ang aking mga luha habang pinapasalamatan ang iba kong kasama tanging "Good luck" and "Congratulations" ang mga sinasabi nito.

Pumunta ako sa tabi ng ibang nanalo sa category ng college at ngumiti sa kanila. Sinabi rin nila ang katagang Congratulations habang nakangiti.

Pinasalamatan ko sila at nakipaghandshake ako. Mainit naman na tinaggap nila iyon. Sinenyasan kami ng mga host na bumalik uli sa backstage for a tatlumpung minutong break.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon