XXXVI

26 8 1
                                    

Pumikit ako at nanalangin.

Lord. Gabayan mo ko sa araw na ito at kung ano man ang mangyari, ang paghihiganti ay hindi ito ang magandang gawin at solusyon sa kinakaharap na problema.

Nang lumabas ako sa kotse, ang sikat ng araw ang aking naramdaman at tinignan ang aking paaralan. Naglakad ako ng dahan-dahan para hindi ko maabala ang iba na lumingon sa akin.

"Psst! Andito na si Rain!"

"The-oh-so-infamous girl na nanalo lang ng singing contest lumaki na ang ulo."

"Tapos Oo nga pala bes, narinig ko na tinapak-tapakan niya mga professors dito sa school."

"Rain Louise is the new slut."

Huminto ako. Rain, huminga ng malalim, ganiyan. Bigyan mo sila ng pinakamaganda mong ngiti.

Nilingon ko sila at yung mata nila ay nanlaki habang inilagay ko ang sunglasses ko sa ibabaw ng ulo ko.

Nilapitan ko sila at hinawakan ko ang bag ko. Inabot ko ang isang sobre at bingiyan sila isa-isa.

"That is my invitation card for my birthday. I hope I may see you there. Wear something nice ha? Hindi iyong kapag pupunta kayo duon mukha kayong pobre." Ngumiti ako at narinig ko ang isang taong parang nagreklamo. Tinignan ko naman ang babae.

"Eh kung ayaw namin?!" Hala girl, yung mukha niya parang handang makipagbasag ulo.

"Well, it's your loss. I heard you are a fan of Neon's Band?" I saw her eyes sparkled.

"My Kuya Raizer said, they will be invited to play on my birthday. Free autograph. Bahala ka kung ayaw mo." I smiled silently. I saw her stand straight.

"Fine! Thank you for this. Halika na nga Josephine! Nakakainis siya!"

Hinayaan kong marinig nila ang tawa ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa pagtawa eh. Tumalikod ako sa kanila at lumakad uli ng mahina.

Habang naglalakad, biglang may humawak sa kamay ko.

"Ano ba! Bakit mo hina---"

"Rain, can we talk?"

Yung mga mata ko, nagsisimulang manubig at mga kamay ay nanginginig habang muntik na akong matumba pero mabuti nalang ay nahawakan niya ako sa bewang.

Hindi niya pa rin hinihiwalay ang tingin niya sa akin.

"Please? Can we? Hmmm?"

"So ano ba paguusapan natin? Bilisan mo dahil male-late na ako." Nasa ilalim kami ng puno dito sa field.

Nandito kami sa lugar kung saan sia nagtapat ng--- basta alam niyo naiyon.

"I want to say sorry sa pagsigaw ko at hindi naniwala sa iyo."

"Tapos? Tapos kana? Makakaalis na ako." Hinawakan ako nito sa braso ko at inilapit ang katawan ko sa kaniya.

"Please! Bitawan mo kamay ko. Kung akala mo makukuha mo ko sa paganiyan-ganiyan mo, tigilan mo ko."

"Rain, I'm sorry. Yes. Actually, natakot lang ako dahil hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin pero nuong nabalitaan naming nawawala ka at may nakakita sayong nagtulak sa bangin knowing na nakawheelchair ka, bigla akong kinutuban. Halos matulala ako pero tumakbo pa rin ako papunta sa lugar na huli kang nakita. Rain, patawarin mo ko...

I know, I am a jerk for shouting, giving you a heartbreak pero sana mapatawad mo ako. Sana... bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Nangako ako sa pamilya mo na aalagaan kita. Mahal na mahal kita, Rain. Kahit itaboy mo pa ako. Kahit ipagtulakan mo pa ako, hinding-hindi kita iiwan." Patuloy itong umiiyak habang hinawakan ang kamay ko. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now