VI

106 31 21
                                    

Rain Louise's P.O.V

"Seryoso ka? I mean, hindi naman tayo close kaya bakit mo ako aanyayahan para pumunta sa bahay niyo?" Oo nga. Bakit kaya?

Alam ko namang hindi pa kami malapit sa isa't isa kaya nagaalangan ako. Tila nanlambot naman ang mukha nito at hinawakan ako sa kamay.

"That's why I am asking you to come to our house kasi want kitang makilala din at maging kaibigan ko. You don't want that, Rain?"

Naiiyak na ako. Dati, walang may gustong makipag-usap sa akin pero ito na, may mga taong gustong makipagkaibigan sa'kin.

1 year ago....

Nasa may pintuan na ako ng aming classroom ng makarinig ako ng dalawang boses. Napangiti ako. Nanduon na ang aking mga bestfriend.

Kung nagtataka kayo kung nasaan ako, nasal abas ng classroom naming. Dalawa yung pintuan, nasa likod nila ako kaya di nila nakitang papasok ako. Yung para bang nasa mga Korean School na tig-dalawa yung pintuan? Ganon din dito sa Rizal High School.

Hindi muna ako pumasok at tinitignan ko sila na masayang nagtatawanan. Ang aking mga kaibigang sina Veronica, Honey, at Gemima.

"HAHAHA! Tiyaka, alam mo ba na akala niya talaga kaibigan natin siya pero hindi niya alam na ang totoo ay plinaplastik lang natin siya." sabi ni Honey.

Pumalakpak naman si Gemima at nagsalita. "Ay! Oo. Haha! Nakakatuwa nga kasi meron tayong tagasulat ng report natin at sumasagot ng assignments. Minsan kasi diba, Veron, ikaw nagsasabi sa kaniya na makikiusap? Oo naman agad sabi tapos gagawin niya. Tatanga-tanga kasi." biglang nagiba ang timpla ng mukha ni Gemima.

"Walang gustong maki-pagkaibigan sa kaniya kasi hindi siya mayaman katulad natin. And! hindi siya maganda katulad ni Veron!" sabi naman ni Gemima habang nakipag-apir naman si Honey sa kaniya. Nanlalabong ibinaling ko sa iba ang aking paningin. Nagbabadiya ng lumuha ang aking mga mata.

Sabihin niyo nga sa'kin? Tanga ba ako? Gusto ko lang naman magkaroon ng kaibigan na papahalagaan ako. Yung gustong maging parte sa buhay ng isang kaibigan.

Naging mabuti akong kaibigan sa kanila kasi inakala kong kaibigan nila ako. Yun pala mga backstabber sila.

"Guys, stop that crap, okay? Hayaan niyo iyan si Rain. Tsaka, mabait talaga iyon. Dapat, hindi ninyo sinisiraan." ngumiti ako. May pag-asa pa, Rain Louise.

"Oh, Hey Rain! Tara dito!" ani Veronica habang biglang lumingon ang dalawa sakin. Ngumiti sila Honey and Gemima. Ewan pero parang kinilabutan ako. Pasimple kong pinahid ang aking luha at bumuntong-hininga. Ngumiti ako at nagsimulang lumapit sa kanila.

"Hi Guys! Good Morning. What's up?" habang inilagay ko ang aking bag at inaayos ang laman nito biglang binuhusan ako ng kung anong bagay. Parang malagkit ito. "Oh My! Anong---?!"

Nakarinig ako ng bungisngis sa aking likod. Nuong tinignan ko mga kaklasi ko, ibinaling lang ang atensiyon nila sa iba kahit nakita kong alam nila kung anong ginawa ng mga kaibigan ko sa akin. Habang pinupunasan ko ang damit ko na nabasa sa panis na gatas ay iniharap ko sila. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupunasan ko damit ko.

"Well, hello dear. How are you?" nilingon ko yung nagsalita. Akala ko pa naman siya ang magiging kakampi ko sa mga kaibigan namin pero isa pala siyang dakilang demonyo rin. Ngumiti ito na animo'y parang naka-jackpot sa lotto dahil sa ginawa niya. Lumapit ito sakin at pinagpagan ang damit ko. Parang iyong pinapunasan na nandidiri. "Do you like my morning greetings to you, My bestfriend?" at tumawa ito ng pagkalakas lakas at sumunod naman ang mga kaibigan ko.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now