III

197 45 42
                                    

Tinignan ko naman si Kuya habang si Cass naman ay naririnig kong tumatawa ng mahina.

Ano ang sabi ni Kuya Poseidon? Baby? Baka iba lang pagkarinig ko. Tumigil ka nga, Rain. Hindi magkakagusto sayo yung kapatid ng kabigan mo.

Muli, isinibalewala ko nalamang ang mga iniisip ko, baka ano pa maging resulta neto. Nakita ko naman si Cass na nangiti.

"Bakit ka nakangiti ng ganiyan?" umayos naman ito ng upo at tumingin uli sa bintana.

"Nothing. Happy lang ako." Ako din, Cass. Hinawakan ko ang kamay ni Cass at tiniklop ito. Nakaramdam ako ng paghigpit ng kamay niya.

Na-miss talaga namin ang isa't-isa. Naramdaman ko uli ang pagandar ng sasakyan. Habang nasa biyahe kami, tinitignan ko si Kuya sa dash mirror at sa puntong iyon, nagkatinginan kami. Ngumiti ako pero si Kuya? Ibinaling ang tingin sa iba. Natawa ako.

Nagkatuwaan pa kami ni Cass at marami kaming pinagusapan. Hindi namin nahalata na malapit na pala kami sa bahay namin. Pinatay muna ni Kuya yung makina at ibinaba ang window glass ng kotse.

"Ito na ba yung bahay niyo?" tumingin-tingin ito sa labas. Tumango ako.

"Opo, Kuya. Andito na po tayo."

"Tara, ihatid ka na namin sa pinto. Gusto rin naming makita sina Tito at Tita."

"Talaga? Baka hanapin na kayo niyan nina Tito sa inyo."

"Hindi iyan. Alam naman nila na ihahatid ka namin after nating pumunta ng Manila Bay." Ngumiti ako at sabay kaming lumabas ng kotse.

Tinignan ko ang aming bahay. Simple lang ito. Isang 2 storey pero hindi gaanong katulad kayna Cass and Kuya. Kung makikita mo sa labas may gate na gawa sa metal, yung parang may arrow sa taas at kulay red ito. Makikita mo rin dito sa labas ang garden sa harapan ng bahay at nasa gitna ang pathway.

"Tara... pumasok na tayo."

Pangungumbinsi ko sa kanila. Tumango naman sila pareho. Cli-ning naman ng kamay ni Cass sa arms ko at masaya kaming pumasok. Binuksan naman ni Kuya Poseidon ang gate. Nakabuo ito ng maingay na tinig at hudyat ito na may taong papasok. Bumukas naman ang pintuan sa harapan namin habang kami lumalakad at nakita namin sina Mama, Papa at Lola na masayang nakangiti sa amin.

Nang nasa harapan na namin sila ay bumaba ito sa maliit na hagdan at sinalubong nila ako ng mainit na yakap. Nagsimulang bumagsak ang luha ko habang dinarandam ang yakap ni Mama. Naramdaman kong hinahagod nito ang likod ko at si Papa naman ay nasa likod ko at humalik ito sa tuktok ng ulo ko.

"How's my princess? Are you doing fine? Kumusta pageenroll?" ani Mama habang hinahaplos ang aking buhok. Marami agad ang tanong nito na ikinatawa namin ni Papa. Pinahid naman ni Mama ang luha ko at inaayos ang buhok ko na nagkalat sa mukha ko.

"Our daughter is totally fine; you see? And we almost forgot that we have lovely visitors here. " ngumiti naman ang dalawa. Nagmano naman sila at humalik sa pisnge ng aking mga magulang at yumuko ng ulo para magbigay galang. "Hindi pa rin kayo nagbabago, mga inaanak ko." salita ni Papa at humiwalay sa akin ng yakap at binigyan ng yakap ang dalawa.

"Hello po Tito, Kumusta po kayo?"

"Okay lang kami ng Tita mo, iho. Kayo ng Mama at Papa niyo?"

"Okay lang kami, Tito. Mabuti lang naman kalagayan nila." sabi ni Kuya Poseidon at humarap naman si Papa kay Cass.

"Hello Tito! Kumusta kayo? Namiss ko po kayo ni Tita." nagsisimula na itong maiyak. Yinakap naman ito ni Papa.

"Aww, Shh. Tahan na anak. Andito na kami nang Tita mo. Hindi na tayo ulit magkakalayo." lumapit naman si Mama at niyakap si Cass. Humiwalay naman si Papa at tumabi sakin.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon