XXVI

48 16 0
                                    

"Rain? Okay ka lang?"

"Huh?" Tinignan ko naman ito. Naalala kong kagrupo ko pala ito sa araw na ito hanggang mamayang gabi.

Ngumiti ako at ganon din siya. "Oo naman, okay lang ako."

Nasa field kami at ngayon ay magsisimula ang isang amazing race.

Tinignan ko naman ang relo na nasa kaliwang pulsuhan ko at nakitang malapit ng mag-ala una na ng hapon. May lumapit naman isang 'di ko kakilala at nakangiti itong lumalapit sa aming gawi. Nagtaka naman ako ng biglang tumigil ito sa harapan ko.

"Hi, Ms. Rain! Ako po si Kyle. Pwede po magpaautograph?" Napatingin-tingin ako sa paligid ko at ang iba ay nagbubulong-bulungan at mayroon ding mga grupo ng tao na papalit din sa amin.

"Ms. Torres! Magpapaautograph po kami, pwede po ba?" Tila gusto kong masalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Nakita naman ni Jhayle na nalilito ako kaya pumagitna ito sa amin.

"Uhm! Si Rain ay magsasabi ng oo kung itutuwid natin ang linya okay?" Masaya namang tumango-tango ang mga ito at sinumimulang magporma ng kanya sa harapan ko.

Nuong nagsignal si Jhayle na ayos na ang pila ay sinimulan kong magsign. Kahit hindi ko alam ang ginagawa ko at kusang mga kamay ko at nagtratrabaho.

"Smile!" Hinugis ko ang aking bibig sa isang ngiti pero hindi ang mismong magandang ngiti ko.

Natapos na ang little signing event at nakipag-apir naman ang ibang mga kagrupo ko sa akin. Tipid lang ang ipinakita kong ngiti.

"Okay! Placing everyone!" Napatingin kami sa babaeng teacher. Sa pagkakaalam ko, si Maam Cherrie ito.

"Before the amazing race ay magkakaroon ng tatlo hanggat apat na palaro muna para hindi kayo mabagot. Kumbaga, excercise natin ito, okay?"

"Yes Maam!"

"Alright! For the first game ay Trip to Jerusalem." Tila napukaw ito ng aking pansin at napatingin kay Maam.

Ang mga nanditong participant ay hinati-hati sa 3 groups per year level.

So bali, ang mga ka-school mate namin ay nakakalat sa ibang parte ng camp. Malawak naman ito kaya alam kong kaya ng campus site na ito na ihati-hati sa maraming parts at magscattered sa ibang lugar.

Nuong nagtipon-tipon ang mga naging ka-players namin ay labis ang takot ko sa aking dibdib ng masilay ko ang ngiti sa labi nito habang kumaway at kumindat ito kasabay ang mga pekeng ngiti din sa mga labi ng kasama nito habang papalakad patungo sa amin.

"Kung hindi ba namang sinasadya ng panahon at nandito ka rin. Una, sa pagigingROOM MATES tapos ngayon, magka-GROUP MATES din? Talaga naman ang tadhana, pinapalapit tayo noh..." unti-unti siyang lumalapit at umatras ako ng konti. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.

"I'll make sure you will regret on being here as one of my group. Kaya kong ako sayo..." sandaling tumigil ito at muling nagsalita. "Lumipat ka ng kagrupo or else, I'll make your day miserable."

Lumayo na ito ng tuluyan at napangisi. "Let's go girls." Humudyat naman itong umalis at ang mga kaibigan nito ay parehong nag-fly kiss sakin at tumawa ng malakas.

"Okay! Ready na kayo?" Tumindig ako ng maayos sa position ko at tumango.

Si Erin ay nakikipaglaro lang sa nararamdaman mo, Rain Louise. Matatag ka. Huwag kang manlaban pero huwag magpatalo. Tama! Magiging okay lang din ang lahat. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

"You know the mechanics already guys diba? As I play the song, of course, you will dance and go around the circle and so on and so forth. Now! Wala ng patumpik tumpik pa, pwesto mga amigas!"

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now