XIV

48 17 0
                                    

Rain Louise"s P.O.V.

"Good Morning Class!" Tama. Isa na namang bagong araw sa eskwelahan.

"Good Morning Teacher Jassie!" sabay-sabay naming sabi habang si Teacher ay umiikot sa buong paligid ng room namin. At biglang pinagsiklop niya ang kaniyang kamay na parang nanalangin. Ngayon ko lang nahalata, papalapit na ang aming School's Foundation Day, kaya baka si Teacher Jassie ay may sasabihin tungkol dito.

"As we all know that the foundation day of our school is coming near and you know what it means?" Itinaas naman niya ang kaniyang kanang kamay na para bang sinasabing "Ano ang sagot?" Iba-ibang mga sagot ang narinig ng bawat isa.

"Well, one of your answers is correct. The Singing contest!" Naghihiyawan ang mga kaklasi ko. Maganda at excited ako for this year. Hindi ko alam pero ngayon ko lang naramdaman na may mangyayaring mabuti ngayong taon. Ang daming pakulo ng school namin.

Sa dati kong eskwelahan, may mga activities naman pero dahil sa hindi naman kayang bayaran nila Mama kasi may mga contribution bawat event kaya ayun, minsan hindi ako kasama. Ngayon, sina Kuya at Ate naman ang magbabayad for all my expenses at hindi ko naman ito aabusuhin kasi strict sila ng konti sa mga expenses ko.

"And this year, our class will have a representative. I will give you all the chance who would you want to pick." Lahat ng mga kaklasi ko naguusap-usap tapos halos lahat sila lumingon sakin. Huwag niyong sabihing---

"Maam! I would like Rain Louise to be the representative of our class." Sino nagsabi non?

Lumingon ako sa direksiyon ng boses na narinig ko kanina at nakitang nakangisi ito. Erin? Hindi? Bakit niya ba ginawa iyon? I told her before na hindi pwedeng malaman ng mga kaklasi ko.

Tinapunan ko ng tingin si Erin at parang namalikmata ata ako sa nakita. Inismiran ba ako ng babaeng to?

Naalala ko nuong kumanta ako sa kanila habang gumagawa kami ng porject namin and gusto talaga nilang marinig na kumanta ako, kaya ginawa ko nga. Sinabihan ko sila nuon na isa itong sekreto at wala dapat makaalam, especially, sa mga kaklasi ko.

"Really, Ms. Torres? Do you want to be the representative?" Tumingin sa akin si Teacher Jassie at habang nakatingin ako sa kaniya ay tinignan ko rin si Garian, na ngayon ay naghihintay sa sagot ko. Tumingin ako uli kay Erin at tumingin ito sa akin ng blanko ang ekspresiyon nito.

"Uh-Uhm... Oo, alam ko po kumanta pero---" napapikit na lamang ako ng makita ang matamis na ngiti ni Maam sa sagot ko.

"Alright! We already have the representative. Let's us clap for Rain Louise!" At nagpalakpakan sila na may kasamang hiyawan. Siinabi na ni Teacher Jassie. Wala na. Katapusan na.

Umulit ang malakas na ingay sa paligid ko para sabihin na excited na sila sa magaganap ngayong taon na ito. Habang nagsasaya sila ay tinignan ko si Erin at nanalangin akong hindi tama ang nasa isip ko ngayon.

"So, Rain Louise, go to the gymnasium kasi mamaya na ang simula ng audition. Wala naman kayong halos subject teachers na pupunta dito kasi nga they are busy preparing too for the event." inilibot nito ang tingin ni Teacher sa amin at ngumiti.

"Kung sino lang yung available, pwede niyong samahan si Rain at icheer niyo siya. Understand students?" At sabay sabay silang sumagot ng "Yes!".

"Okay, Aalis na muna ako. And God Bless you, my dear student!" Lumapit si Teacher sakin at hinawakan ang aking balikat.

"Do your best, dear. Everything will fall into place. Just Trust yourself." Ngumiti ito at lumakad papaalis sa aming room.

"Yehey! My bessy will be the representative in our section. Wala na. Talbog na lahat ng contestants mamaya." Halos malakas na ang boses ni Garian na napapalingon ang mga kaklasi namin at napapatango. Sinuway ko naman si garian.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now