XXV

45 15 0
                                    

Nuong nasa harapan na ako sa kanila ay ngumi-ngiti ako sa bawat isa habang yinayakap sila pero nuong papalapit ako kay Moran, yayakap din sana ito sa akin pero may biglang humawak sa likod ng damit ko para mapalayo kay Moran.

Narinig kong tumawa ng saglit ito at malakas naman na tawa ang apat. Lumingon ako sa gawi niya and nagsabing, "Possesive".

Nagkibit balikat lamang ito at nagpatuloy kami sa paglakad. Humanap kami ng pwesto at umupo. Ganon din ang ginawa ng iba at halos 15 minutes muna bago nagsimula ang event.

"Alright! Ladies and gentlemen. Welcome to the Kick-Off night of this year's Camp of LSA!" Humiyaw naman kaming lahat.

"Mainit! Mainit ang salubong ng ating mga estudyante ngayong gabi. Pero bago muna iyan ay manalangin tayo."

Nagsimulang magsitayo ang iba at kami rin. Pagkatapos ng aming pananalangin ay naghiyawan ulit ang madla.

"Para sa gabing ito, nais muna nating bigyan ng pagkakataong makapagsalita ng opening remarks ang ating Presidente, Ms. Havilah Monserrata." Nagpalakpakan kaming mga estudyante.

"Students! WELCOME!!"

"WOOOHHH!!" Napatawa kaming anim dahil sa mga inakto namin.

"It's my honor and privilege to be part, again, for the third time, the yearly and most awaited part of foundation day in our school. I hope you may enjoy this night's kick off... FORGET ABOUT ACADS...."

"YES NAMARN!" Gulat na napatawa kami sa isang estudyanteng bigla namang sumigaw at umulit kaming naghiyawan at pumalakpak.

"Yes! Forget about acads first and enjoy your camp here. Make the most out of these three days here in our CEO's Don Alejandro Resort. Feel free where ever you are but always remember our rules that were tackled earlier. Understood?" Sumagot naman kami ng "Yes!"

"Okay, enjoy and whatever happens, be kind and have sportsmanship. Good day everyone and God Bless!"

Pumalakpak ulit kami for the ikatlong pagkakataon. Pagkatapos ng speech ni Ms. Havilah ay nagsabi ang host na may gagawin daw na game. Ito ay tawag na hide at seek but with a twist.

Bawat isang tao dito ay bibigyan ng bulaklak. Pero nasa pwesto lamang kami. Hindi kami pwede umalis o makita kung iilan ang bulaklak na inilagay sa mga kamay naming.

Inumpisahan naman ang pagbibigay ng bulaklak at naramdaman kong may naglagay ng kung ano sa aking kamay at sinabing, pwede ko na raw ibaba ang kamay ko para hindi mangalay.

Matahimik at exciting. Pero tila habang hindi pa nagsisimula ay biglang kinakabahan na ako.

"That's it! Tapos na ang mga officers maglagay ng bulaklak sa mga kamay ninyo. You can now see how many flowers you have. But! Never say to anyone kung ilan ang meron ka? Okay. In a count of twenty, dapat lahat ng students nakatago na na? Ang taya ay magkakaroon ng oras sa paghahanap ng halos trenta minuto at kapag nahanap ka ng taya ay kakailangan mong ibigay ang lahat ng flowers mo at may parusa."

Napasabi naman ang iba ng "No." habang kami nila Garian ay mahinang tumitili habang naghahawak kamay.

"Para naman sa taya ng LSA ay bubunot tayo mula sa box." Biglang hiyawan naman ng makita ang Campus King na si Kuya Nehemiah.

Moreno ang mukha nito. Parang nasa 5'7 ang tangkad, maganda ang pangangatawan at maayos ang buhok nito. Crew cut ata? Napatawa na lamang ako sa isip ko.

"Iba talaga datingan ni Nehemiah guys no?" Biglang rinig namin sa speaker and ang hula ko si Ate Havilah to.

"YES!" biglang sigaw ng mga kababaihan na sa tingin ko may paghanga kay Kuya.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now