V

122 33 24
                                    

Mahigit dalawang buwan na rin simulang tumira ako dito sa condo na binigay sa akin ng mga kapatid ko at mag-aral sa L.S.A.

Kung tatanungin ako? Yung binili nilang condo ay napaka-komportable sa akin at maganda. Hindi ko rin inaakala na bibigyan nila ako ng pagkakataon na tumira sa isang magarang kwarto. At! Ako lang magisa.

Narinig ko naman ang isang katok mula sa labas habang ako ay kumakain ngayon.

"Sandali lang po." nang buksan ko ito ay bumungad sakin ang isang nakasuit at animo'y nagkukunyaring matikas at pormal. "Kuya!" matatawa na ako neto. "Tumigil ka nga po sa ganiyan. Hindi bagay sa'yo." bigla namang sumimangot ito at pumasok sa loob ng padabog. Umiling-iling naman ako. Hala! Nagtampo.

"Why? Hindi ba maganda suot ko ngayon, Princess? Akala ko pa naman pupurihin mo ko dahil ang gwapo ko ngayon tapos yun pala tatawanan mo ko," sabi nito habang nakatalikod sa akin at nakaharap sa labas sa pamamagitan ng glass window.

Makikita mo sa pwesto ni Kuya ang lawak ng Maynila. Kaya pagnamimiss ko sila Nanay, tumitingin-tingin ako sa labas. Minsan, nagstastar gazing ako habang kausap ko si Cass.

"Kuya, hindi po ako tumatawa dahil sa pagsusuot mo," lumapit ako at inilagay ko kamay ko sa braso niya. "Ikaw po ay gwapo sa sarili mong pamamaraan, Kuya. Tsaka, hindi lang ako sanay na ganiyan ka manamit kasi pakiramdam ko, ang matured mong tignan kung ganiyang mga damit sinusuot mo," lumingon naman ito sakin at pi-nat ang ulo ko.

"Alam mo talaga kung paano ako paamuhin." ngumisi ito at ginulo ang buhok ko. Napatili naman ako at natawa lang ito.

"Oo naman. Tiyaka, kahit anong mangyari, gwapo ka mapaloob o labas man na anyo. Kahit isang babae na ang nakasakit sa iyo, lagi mong tatandaan, na hindi iyon dahil sa kulang ka sa ugali at gwapo, kundi hindi siya ang nakalaan sa'yo," narinig ko naman itong napatawa ng konti.

"Ito naman, sumeryoso bigla. Alam ko naman, tiyaka, it's her lost losing me, Princess dahil hindi ko na siya babalikan. I have someone new. Someone whom I like and love na kaya wala na siyang babalikan."

"Maganda iyan. Sabihan mo ko kung ipapakilala mo iyong girl mo ha? Aasahan ko iyan." hinalikan naman ako nito sa noo.

"Oo naman, Princess. Sasabihin kaagad kita." biglang tinignan ni Kuya yung wrist niyang may relo. "So, are you ready?" humiwalay muna ako kay kuya at pumuntang kwarto.

Kinuha ko ang bag ko na nasa kama at pumunta sa may salamaim. Ito ay isang buong katawam na salamin. Tinignan ko naman ang uniform ko at ang aking inayos. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nasa sofa si Kuya at napatayo.

"I am ready, Kuya! Tara na po?" naging mabuti naman ang aming biyahe ni Kuya at nakarating na rin kami sa school ng maaga. Pinuntahan ko kaagad ang aking room at namataang naglalakad si Garian sa hallway.

"Hi, Garian!" yinakap ko ang kamay ko sa braso niya at tumingin sakin. Napahawak bigla ito sa dibdib.

"Oh.My. Gash! Rain naman..." napakamot ako sa bataok ko.

"Sorry, Garian. Akala ko hindi kita mabibigla," lumambot naman ang mukha nito at hinawakan ang right cheek ko.

"It's okay, nabigla lang ako. Tsaka, huwag ng magsorry. Bakit ba palagi kang nagsosorry kahit wala ka namang kasalanan?"

Napayuko ako. "Nasanay lang." narinig ko namang bumuntong hininga ito. Iniangat naman niya yung ulo ko gamit ang kamay neto.

"Pst! Listen up. Kahit man magkaroon tayo ng di pagkakaintindihan, aasahan mong mauunawaan kita kasi kaibigan kita. Hindi mo kailangang magsorry palagi. Kaibigan mo ako." hinawakan niya yung kanang kamay ko at pinagsiklop ito sa kamay niya. Nagpatuloy kaming maglakad parehas papuntang room.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon