XVII

50 16 0
                                    

Biglang bumukas ang pinto. "Akala ko kung ano na nangyari sa iyo dito. Ang tagal mo kasing lumabas." Si Erin. Binaba ko naman yung phone ko.

"May kailangan ka ba, Erin?"

"Wala naman. Gusto ko lang tignan yung nasa loob ng kwarto mo."

Ngumiti ito. Kapagkuwan ay hindi ako nasiyahan sa ngiti niya. Ibang dating sa akin eh pero ayoko namang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaya hindi ko nalang tinatanong.

"I am really curious kung ano talaga estado mo sa buhay, Rain Louise..."

Sabi nito habang dinadantay ang isang kamay na tila ba tinitignan kung may natitira pang alikabok sa mga shelves ko at ilang gamit ko. Tapos minsan pa ay hahawakan niya mga Litrato ko ko at titignan ng malapitan.

"Alam mo, kapag nagaastang nagbabait-baitan, hindi rin maganda."

"Anong ibig mong sabihin?"

"That you should stay where you are, Rain." Bigla akong kinabahan. Hindi ito ang Erin na kilala ko. Parang kung may sinasabi ang utak kong dapat hindi ko na ito pansin pagkatapos ng Gawain naming.

"Ayokong may humaharang harang sa mga plano ko. Kay bago-bago mo palang tapos aangat kana? Hindi ata pwede iyon." Biglang tumibok ang puso ko ng mabilis. Is Erin a---

"Sorry. Lines ko pala iyon sa isang ipaga-audition ko. At timing din na ikaw una kong nakita."

"Ahh," Wooh! Mabuti nalang. "hindi, okay lang. Galing mo!" Pumalakpak ako at ngumiti siya habang patuloy na tumitingin sa mga gamit ko dito sa silid.

Ang kwarto ay transparent sa labas. Kumbaga, sliding door ang pinto papuntang balcony at kurtina lang ang nagproprotekta sa akin habang nagbibihis. Pero may matinding seguridad naman ang pintuan kaya kung may magtangkang magbastos man sa akin ay hindi niya ito magagawa.

"Your room is very good especially insight-seeing. I bet maganda dito kapag gabi." Lumapit ako at tumabi sa kaniya.

"Oo, iyon din nahalata ko hanggang ngayon."

"Rain! Delivery is here."

"Sige na, Rain. Dito muna ako. Mauna kana."

"Sige. Maging malaya lang sa pagtitingin, lalabas na muna ako."

"I will. Thanks." Umalis muna ako sa room ko at nakitang delivery talaga. Pinuntahan ko muna ang bag ko at kinuha ang pitaka ko, kumuha ng tatlong daang piso at binigay sa delivery man.

"Salamat po, Manong. Ingat po kayo!"

"Salamat din po, Maam! Enjoy eating."

Pizza and burger yung pinamili ko at soft drinks na rin para swak sa snacks na kakainin. Lumabas naman si Erin sa kwarto ko habang kami ay nagaayos para sa pagkain ng snacks.

"Erin! Hali ka na. Andito na yung snacks natin." Lumapit naman ito at umupo sa sahig.

Umupo naman kami at nagsimulang kumuha ng tig isang burger. Nanalangin muna ako habang hawak hawak ang nakuha kong snacks. Nuong minulat ko ang mga mata ko lahat sila nakatingin sakin.

"Did you just pray?" Natatawang sabi ni Martin

"Oo, naman. Bakit?"

"Pfft." Nilingon ko si Erin habang ang iba ay nagsimulang magtawanan.

"Rain! Wala ng nananalangin sa panahon ngayon."

"Tama si Margareth. Ang baduy mo ah!" Nagtawanan naman uli.

"Stop it, guys. You're making Rain uncomfortable." Hinawakan naman ni Erin ang kamay ko. Ngumiti ako. Napaka-bait at unawain talaga si Erin.

"Okay. If you say so." Ismid na sabi ni Avery, napataray naman si Camila habang nagbubulungan naman sina Martin at Kenneth tapos tatawa ng malakas. Habang kumakain ako ay tinapik ako ni Kenneth.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now