XVIII

48 17 3
                                    

Muling hindi na ito lumingon sa akin. Mabuti naman. Baka mamatay kami ng di oras nito. Makaraan ng ilang minuto sa daanan ay nakarating din kami sa parking lot.

"Ihahatid pa ba kita?" I shook my head.

"Remember the deal, Poseidon."

Ngumiti ito. "Oo naman. Nasabi ko lang iyon kasi nagaalala ako. Baka hindi yung condo mo ang puntahan mo kundi sa rooftop." natawa ako. "Oh, bakit ka natawa? Naman, seryoso ako dito eh."

"Sorry na. Oo na." Kinuha ko naman ang aking bag at sinimulan ang pagaayos ng gamit ko at binitbit ko ito. Lalabas na sana ako nuong humawak ito sa wrist ko uli. Napapansin ko. Palagi niyang hinahawakan ang pulsuhan ko. Ano ba meron?

"Be safe. Kung ano man ang nangyayari sa iyo, sabihin mo sakin. Hindi sa gusto kong masakal ka sakin pero kahit ngayon araw lang. Sabihan mo ko kapag anduon kana sa room mo, okay? Para lang mapanatag puso ko." Hinaplos ko ang mukha niya at ang kaliwang kamay nito ay hinawakan ang kamay na nakahawak sa pisngi nito.

"Magiging okay lang ako. Salamat sa pagpapakalma sa akin. Baka sa isang araw, masabi ko rin iyan sa iyo ng mabuti. Magiingat ka palagi, okay?" Tumango lamang ito at lumabas na ako. Kumaway naman ako mula sa labas habang papasok sa entrance ng building.

Muli, tumalikod ako uli at nilingon siya, kumaway siya at ako rin. Habang papunta ako sa elevator ay biglang nagring ang phone ko pero namatay din ang tawag. Nuong nakalabas ako sa elevator ay tumawag uli ito.

"Yes, Kuya Raizer?"

"Nasa room ka na ba?"

"Uhm, papunta palang po." Habang hawak-hawak ko ang celphone ko ay ginamit ko naman ang isang kamay ko para sa paghahanap ng susi.

"Someone will call you over skype kaya in less than 10 minutes nasa kwarto kana. He is very an important person." Important person?

"Sige Kuya." napangiti ako, bukas na rin sa wakas. "Masusunod po."

"Good, Rain. Be kind ha?"

"Yes, Kuya."

Opo. Kahit hindi kita naiintindihan, magiging mabait ako. Dumiritso ka agad ako sa kwarto para makapagpalit. Pagkatapos ko magpalit ng pajamas ko ay kinuha ko ang laptop ko sa drawer ko. Hindi ko ito binubuksan kapag hindi importante ang gagawin. Mabuti namang hindi ito lagger dahil matatagalan to ng pagbukas, mauubusan sa pagoopen lang ng sampung minuto lang ang binigay saking oras nila Kuya.

Nuong tuluyang nabuksan na ito ay hinanap ko naman ulit ang sky app. Nilog in ko naman ito at hinintay ng ilang minuto.

Biglang sa right side ay sinabing "Incoming Call "Unknown number."

Ito na ba sinasabi sa akin ni Kuya? Sige, tara na Rain. Sumunod nalang tayo.

Pagkatapos kung i-click ang green button ay siya namang nagpakita ng isang matandang lalaki pero parang mayaman ito.

"Hi! Good Evening! I am Don Alejandro. And you are?" Tumingin ito sa screen at ngumiti. Napangiti na rin ako.

Hindi ko mawari pero komportable ako sa kaniya na makipag usap. Para bang kilala ko ito.

"Rain Louise Torres po," Nuong naiba ang tingin ko ay may nahalata ako. "Alam ko nakita na kita sa isang lugar eh. Ikaw ba yung may-ari sa Cassia de Kompanya Cuisine?"

Natawa ito sa sinabi ko. Hindi ako makapaniwalang nakita ko lamang siya sa larawan at ngayon ay kausap ko na siya ng malapitan kahit sa screen lamang.

"Yes, I am the owner of that restaurant." Ngumiti lamang ito habang ako naupo ng maayos. Hindi ko mapigilang mamangha.

The Girl In Black Dress|Soon To be Published under GPWhere stories live. Discover now