Chapter 4: Kiss from a Stranger

2.7K 123 7
                                    

Kahit na medyo naaguguluhan pa rin ako sa mga reactions nila, pinili ko na lang na manahimik na muna. Iginiya ko sila papunta sa room ko. Pagkabukas ko ng pinto...

Nanlaki ang mga mata namin sa tumambad sa’min. Napatakbo naman si Ate Euri sa may bintana na ngayon ay nakabukas na.

"Sh*t! nakatakas na naman siya!" inis na sabi ni ate Euri.

Ang gulo-gulo ng kwarto ko, nagkalat yung mga gamit tapos wala na si Joshua. San siya nagpunta?

"Euri," tawag dito ni ate Camille. Inabot niya dito yung salamin ni Joshua na pinatong ko kanina sa may table.

"Ang pasaway na iyon! Argh!"inis na sabi ni Ate Euri.

"Hay naku... hindi na ko magtataka kung paano nagkaroon ng 6th sense yang si Josh at nalaman niyang pupuntahan natin siya!" parang wala lang na sabi ni kuya Bryle. Inirapan lang siya ni Ate Euri.

Halaa... san na napunta yung lalaking yun?

"Let's go! Baka hindi pa yun nakakalayo!" madaling sabi ni ate Euri sa dalawa at pagkatapos ay dali-daling lumabas ng kwarto. Naiwan akong natitigilan. Imbes na sundan sila, pinulot ko na lang yung mga gamit na nagkalat. Nung aayusin ko na yung kumot sa may kama, bigla akong nagulat nang may lumabas sa pinto ng c.r ko.

"Nakaalis na ba sila?" tanong niya sa'kin. Hindi agad ako nakasagot. Lumapit siya sa may bintana at tumanaw. Maya-maya, lumapit siya at tumayo sa harap ko. "Ikaw ang nagdala sa'kin dito?" tanong niya pa. Tumango na lang ako bilang sagot. Tinitigan niya ko sa mata. Maingat niyang hinawakan yung buhok ko. Parang biglang bumagal ang takbo ng oras sa mundo ko. Halos naririnig ko na kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

"What's your name again?" ang ganda ng boses niya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Unti-unting lumalapit yung mukha niya.

"E-Ericka," mahina kong sabi. Marahan siyang napatangu-tango at pagkatapos, ngumiti siya.

"Hmm... my dear Ericka...," pagkasabi niya nun bigla niya kong hinalikan. Napalaki ang mata ko sa pagkabigla. Nang mahimasmasan ako, tinulak ko siya.

"W-What are you-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinila niya ko ulit at hinalikan. And this time, mas malalim. Ano daw? Basta yung parang mas intense kaysa kanina. Nakakapanghinang halik. Yung halik na parang gustong tunawin lahat ng pagtutol mo.

Matapos ang ilang segundo binitiwan niya na ko. "Always remember me and my kiss," bulong niya sa tenga ko. Parang nakalutang pa rin ako hanggang ngayon. Tumingin siya sa may bedside table at kinuha ang phone ko. May kung ano siyang tinype at pagkatapos, binato niya ito sa'kin na nasalo ko naman.

"I saved my number, better answer your phone when I called okay?"

"O-okay..." lumapit siya ulit sa harap ko.

"See you again next time," pakasabi niya nun, nilampasan niya na ko at dumiretso sa may bintana.

"Hey! Wag ka diyang dumaan!" huli na ang sigaw ko dahil nakatalon na siya. Halaa... >__< tumakbo ako papunta sa may bintana at nakita siya na parang ninja na nakababa. Tumakbo ito palabs ng gate pagkatapos. Tinatanaw ko pa rin siya hanggang sa hindi ko na siya makita.

Allan Joshua Rilorcasa...

Medyo nabibilisan pa rin ako sa mga nangyayari. Parang kanina lang may mga gangsters na nambully sa'kin tapos dumating siya na parang hero ko tapos dinala ko siya dito sa room ko tapos dumating yung idol ko tapos... waaahhhh!!! Ang first kiss kooooooo!!!

"I saved my number, better answer your phone when I called okay?"

Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan yung number na sinave niya. Ang niregister niyang name ay AJ? Ahh... initials niya. Pinalitan ko yung contact photo ng picture niya na kinuha ko kanina.

ALTERSEVENOù les histoires vivent. Découvrez maintenant