Chapter 19: The Confession

1.5K 72 11
                                    

"So ibig sabihin, kayong lahat ay members ng gang na Blaue rosen?" tanong ko sa kanila matapos naming makabalik sa mansyong pinanggalingan namin kanina. Sa wakas kasi ay ipinaliwanag na nila sa'kin kung anong klaseng group itong kinabibilangan ni Josh.

"Right! We're gangsters my lady! Good gangsters!" may emphasis pang sagot ni Rom na sinundan pa niya ng kindat.

"Pasensya na Eri kung hindi ko nasabi agad," hingi pang paumanhin ni Josh.

"Ahh o-okay lang..." tiningnan ko naman isa-isa yung mga kasamahan ni Josh. Tatlo sa kanila ay babae: yung boss na si Camille, yung may mahabang buhok na sa pagkakaalala ko ay Jade ang pangalan at si Miggy na mukhang laging busy sa boyfriend dahil panay ang text nito sa hawak na cellphone. Yung mga lalaki naman niyang kasama ay gwapo lahat at mukhang mga basketball players sa tangkad. Syempre nandun si Ephraim at yung pinsan daw niyang may kulay pula ang buhok na si Red, si Alvin na engineering din katulad nila and lastly ay ang cute na si Rom.

Kung hindi pa sa kanila mismo nanggaling na mga gangsters sila ay baka inakala ko ng modeling agency itong napasukan ni Josh dahil sa mga itsura nila. Feeling ko tuloy, isa akong napakaordinaryong nilalang na napadpad sa lupain ng mga diwata. Mga Gods and Goddesses. Siguro requirement sa kanila ang looks bago makasali sa grupo nila. After few moments of day-dreaming habang tinitingnan silang lahat, I let out a deep sigh realizing how absurd my thoughts have gone.

"It's getting late. Ang mabuti pa ay magsiuwi na kayo," maya-maya pa'y sabi ng boss nilang si Camille. Come to think of it, bakit kaya siya ang boss nila samantalang may mga lalaki naman sa grupo?

Hmm... siguro, siya ang pinakamayaman sa kanila tapos tinakot niya ang mga 'to para sumunod sa kanya. Tama! Posibleng kabilang siya sa mafia groups tapos nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamilya niya ang mga pamilya ng members niya. Dahan-dahan kong tiningnan si Camille na nasa harap namin. Agad akong napatungo nang mahuli niya kong tumingin sa kanya.

Mga nagsitayuan na sila kaya pati kami ni Josh ay lumabas na din. Nagpaalam muna kami sa kanila bago sumakay sa kotse.

"Pwedeng magtanong?" basag ko sa katahimikan habang nagdadrive siya.

"Sure."

"Ahm... bakit ka sumali sa grupo nila?"

"Hmm... mahabang storya. Nung una, ayoko talagang sumali sa grupo nila at pinilit lang nila kong sumali. Pero nang tumagal-tagal ay napalapit na rin naman ang loob ko sa kanila. They're not bad saka alam din nila kung anong klaseng sakit meron ako," sagot nito at saka pilit na ngumiti. Napatangu-tango na lang ako.

Nagulat ako nang bigla niya na lang ihinto ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang ito sa side niya.

"Bakit tayo huminto?" tanong ko.

"Ahh ano Eri... pwede bang ibaba na kita dito? May naalala kasi akong dadaanan ko," apologetic niya pang sabi. Naguguluhan man ay tumango na lang ako. He looked so bothered, so what can I do right? Tinanggal ko na ang seat belt ko at saka bumaba na ng sasakyan.

"See you tomorrow!" sabi ko pa sa kanya at saka nagwave pa bago nito pinaandar ang kotse. Sakto pala na ibinaba niya ko malapit sa book store na pinagtatambayan ko dati. Napagpasiyahan kong dumaan na lang muna dito bago umuwi.

"Welcome to Rainbow Book Store ma'am!" bati pa ng staff pagpasok ko sa loob. Naglakad naman na ko papunta sa literary works at nagtingin-tingin ng mga libro. May nakita akong itim na libro sa pinakababa na siyang naiiba sa mga katabi nito kaya agad ko itong kinuha at tiningnan.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now