Chapter 44: A Truth and A Case

1.1K 57 13
                                    

"W-What happened after Pau came?" agad na tanong ko kay Sean. Saglit niya pa akong tinitigan at saka tumayo at gumawi sa may bintana.

"He shot both you and Josh."

"W-What? B-Bakit?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Maybe to avenge his father that was killed, by Josh—or one of 'us' who were born back then."

"I-Isa sa mga alters ni Josh ang pumatay sa tatay ni Paolo?"

Nagkibit-balikat lang ito bilang sagot. Nanghihinang napaupo naman ako sa kama. Parang hindi ko pa din matanggap ang lahat ng alaalang pumasok sa isip ko. I can't believe we have experienced all those bad things before.

"Nagising na lang ako noon sa hospital na walang maalala. Ang sabi nila dad, naaksidente daw ako kaya nawala lahat ng memories ko. Now tell me, how did we survive? H-How about the other kids? Nakaligtas din ba sila?"

"Did you know why I was born?" Nagtatakang napatingin ako sa kanya. "Because Josh couldn't take himself what he have done. He wanted to kill himself to escape all those memories. He wanted to end his sufferings, that's why I was born." Humugot ito ng malalim na hininga at saka nagpatuloy. "The House with no windows, it was badly burnt before the other kids could escape. I remembered everything..."

"S-Sean..."

He was created because of Josh's guilt. Dahan-dahan akong tumayo at saka siya niyakap. It must have been very tough for him. Maybe it was luck that I've forgotten all those painful memories, that I was able to live normally until now. Kung hindi siguro nawala ang alaala ko ay malamang na hanggang ngayon ay tulad niya'y dala-dala ko pa din ang masamang karanasan ng nakaraan.

"Come to think of it..." Dahan-dahang inalis ni Sean ang mga braso kong nakayakap sa kanya. I looked directly on his eyes. "Aren't you the one who stabbed that doctor?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

I slowly walked towards the doctor who was still messing up Jai's body. Kumuha ako ng isa sa mga scalpel nito at pagkatapos ay walang sabi-sabing itinusok ko ito sa likod niya.

"Ericka!"

"What the heck—" daing nito pero hindi pa ako nakuntento. Sunud-sunod akong kumuha ng mga gamit niya at pinagtutusok dito. Nagsimulang umagos ang dugo mula sa kanya.

"I-Ibig mong sabihin..."

"That doctor, he's Paolo's dad right?"

Nanginginig na napatingin ako sa mga kamay ko. "I-I killed him..."

"Yes. That's why I don't need pity from you," narinig kong sabi niya at pagkatapos ay gumawi na ito sa may bintana. Binuksan niya ito at pagkatapos ay lumabas mula dito. Naiwan akong nakatulala lang sa kawalan.

"I killed Paolo's dad..."

Kung ganun, si Black Sheep... siya si...

"We were friends before but he can't remember it. He can't remember me as well as the sins he committed."

Si Black Sheep si Paolo.

Ibinalik ko ang tingin ko sa bintanang nakabukas.

"Oh no! Si Sean pa rin ang nasa katawan ni Josh!" with that, dali-dali akong lumabas ng kwarto at saka lumabas ng bahay. That suicidal kid, baka kung anong maisip niyang gawin sa katawan ni Josh!

"Damn that kid!" napalingon ako sa madilim na bahagi katapat ng bintana ng kwarto ko.

"A-Are you okay?" agad na tanong ko sa kanya. Sa tono ng pagsasalita niya ay nasisiguro kong nagpalit na naman ng alter ang nasa katawan ni Josh.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now