Chapter 8: Runaway

2.1K 105 5
                                    

ERICKA'S POV

Anong nangyayari? Bakit parang ang ingay?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bahagya ko pang naaninag ang mga doctor na nagkakagulo sa labas ng kwarto ko.

"Ahh..." mahina kong sambit.

"Oh gising ka na hija!" buong pag-aalalang bungad sa'kin ni yaya Carol.

"Ano pong nangyari? Teka, bakit po sila nagkakagulo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa may pintuan.

"Hindi mo ba maalala? Naaksidente ka kanina habang pauwi kayo! Mukhang nabunggo yung likuran ng kotse niyo ng isang lasing na driver. Pero hindi naman siya tumakas, sa katunayan niyan ay siya pa nga ang tumawag ng ambulansya para madala agad kayo ni manong Bart," sabi nito.

"Ei ano po yung meron sa labas?" taka kong tanong.

"Ah yun ba? May lalaki kasi kanina na dumating tapos hinahanap ka! Nang malaman niya kung anong nangyari, galit na galit na binugbog niya yung driver na nakabangga sa kotse niyo!"

"Ehh? Sino pong lalaki?" gulat kong tanong. Teka, wag mong sabihing...

"My God! Ang sakit sa ulo!" sabi ng doctor na pumasok sa room ko. Pumasok kasunod niya ang isang nurse at saka sinarado na ang pintuan.

"Ohh gising ka na!" nakangiting sabi ng nurse. "Okay ka na ba?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong maramdamang partikular na parte ng katawan ko na nasakit.

"Uhm okay na po ako. Err... sino po yung lalaking dumating? Asan na po siya?" tanong ko. Nabigla ako nang impit na tumili yung nurse. Napaikot naman yung mata nung doctor ko. Halaa?

"Ayun pinapagalitan ng mga pulis! Hahaha ang cute ng boyfriend mo kung mag-alala miss!" kinikilig na sabi pa sa'kin ng nurse.

"B-boyfriend?" maang na napatingin ako sa kanya.

"Oo! Hindi mo ba boyfriend yun? Yung cute guy na may salamin?"

"Si Josh!" gulat kong sabi. Napatutop ako ng bibig. Nandito siya? Pero teka, siya yung nambugbog? Don't tell me... lumabas na naman si...

Pilit akong bumangon. Mukhang mga gasgas lang ang natamo ko at wala naman akong malalang injury. Umayos ako ng upo sa kama ko.

"Nasa labas pa po ba siya? Pwede ko po ba siyang makita?" tanong ko sa kanila. Ibinaba ko ang mga paa ko.

"Oo medyo kumalma na siya ngayon pero parang any moment susugurin pa rin niya yung kawawang driver. Panay na nga ang hingi ng tawad ng pobreng matanda sa kanya pero parang hindi siya nakikinig!" iiling-iling na sabi ni doc.

Inalalayan akong tumayo ni yaya at saka lumabas ng kwarto. Nakita ko naman ang hinahanap ko sa di kalayuan. Malayo pa lang ay kita ko na si Josh na kinakapitan sa magkabilang braso ng dalawang pulis, sa harap nito ay isa pang pulis pa na may hawak na notebook habang kinakausap ang isang matandang panay ang yuko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Mukhang napansin ako agad ni Josh kaya nagpumiglas siya mula sa dalawang pulis na nakahawak sa kanya at tumakbo palapit sa'kin.

"Are you okay?" agad niyang tanong habang hawak-hawak ang magkabila kong pisngi. Sobrang pag-aalala ang nakita ko sa mga mata niya.

"O-okay lang ako..." mahina kong sabi sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Ohh thank God you're okay! Why do you always make me worry huh?" bulong niya sa tenga ko. May kung ano akong naramdaman sa loob ko. Parang biglang nagpupumiglas ang puso ko. Parang gusto niyang lumabas sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

ALTERSEVENWo Geschichten leben. Entdecke jetzt