Chapter 40: Behind the Mask

1.5K 69 4
                                    

Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa at saka tinext kay Al ang lahat ng nalaman ko. Pagkatapos ay dire-diretso akong naglakad papunta sa Student Council office kung saan naghihintay yung tatlong posibleng suspek gayundin si Detective na mukhang abala sa pakikipag-usap sa cellphone.

Hinintay ko muna itong matapos bago ako lumapit sa kanya at saka sinabi dito ang kaibahan ng handwriting ni Black Sheep sa sulat ni Mr. Ryuu.

"Kung ganun, hindi nga siya si Black Sheep," tumatango pang sabi ni Detective. "Si Al, hindi mo yata siya kasama?"

"May icheheck pa daw po siya kaya sinabi niya sa'king mauna na dito."

"Ahh ganun ba..."

Huminga ako ng malalim at saka ibinalik ang tingin sa tatlong nananahimik sa loob ng kwarto. Nasisiguro kong isa sa kanila ang may kagagawan ng malagim na sinapit ni Mr. Ryuu. Isa sa kanila ang nagplano ng lahat ng ito pero, may isang bagay na hindi pa din malinaw sa'kin.

Umupo ako sa isa sa mga upuang naroon at saka pasimpleng ibinalik ang tingin sa kanila. Mahanap sana ni Al ang nawawalang piraso para malutas na ang kaso.

Matulin na lumipas ang mahigit dalawang oras, pakiramdam ko nga ay kaya ko ng sabayan ang paggalaw ng kamay ng orasan dahil kanina pa ako nakatitig dito. Nakabibinging katahimikan ang pumupuno sa buong kwarto, lahat ay tahimik lang na naghihintay.

"Detective! Lumabas na po ang resulta ng autopsy!" lahat kami ay napatingin sa officer na humahangos na pumasok sa loob ng kwarto dala-dala ang isang brown envelope. Sa wakas, ang hinihintay naming turning point. Agad itong inabot ni Detective at saka binuksan. Napalunok ako habang nakatitig lang sa dahan-dahang pagkuha ni Detective sa papel na nasa loob nito.

"Based on this autopsy report—"

Whatever written on that paper might have been so surprising base pa lang sa naging reaksyon ni Detective. He cleared his throat first and was about to continue his dialogue when we heard a knock from the open door.

"Sakto lang ba ang dating ko?" Right, it was Al wearing his confident smirk as if telling us that he has already solved the case. I let out a sigh of relief. Sa wakas, masasagot na rin ang lahat ng tanong ko.

"Mabuti naman at dumating ka na hijo! Nandito na ang autopsy report!" excited na pahayag ni Detective. Muhang nabuhayan ito ng loob nang malamang nakabalik na si Al. Agad na lumapit naman si Al dito at saka tiningnan ang nilalaman ng papel. Maya-maya pa'y napangiti ito ng maluwang at saka nakapamaywang na tumingin sa tatlo.

"Shall we begin the deduction show?" maangas na tanong nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng palihim. Tumayo na din ang tatlo at saka tumingin kay Al. Bakas sa mukha nila ang magkahalong kaba at antisipasyon.

"I'll tell you everything that happened this day starting from the clubroom," panimula ni Al. No one bothered to speak anything kaya naman nagpatuloy na si Al. "All the data from Mr. Ryuu's phone has been retrieved that's why we were able to trace everything. And what we've found out is that, he was consistently receiving private messages from a dummy account via messenger. It contains photos of me and Ericka together."

Napanganga ako sa sinabi nito and at the same time ay kinilabutan.

"Seriously? Someone's sending him pictures of you and that girl?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Ms. Veronica.

"So you mean, he was really stalking your girl?" tanong ni Mr. Montania. Teka, your girl daw? Bakit parang napapitlag ang puso ko sa tanong niyang iyon? Pasimple akong tumingin kay al at mukhang hindi man lang ito na-bother sa tanong ng huli. Sabi ko nga, hindi naman iyon importante.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now