Chapter 7: His Past Love

2.4K 104 3
                                    

Pagkatapos makipagbasag-ulo ng grupo ko sa grupo nila Xander, umuwi na ako ng bahay. Mabuti na lang at hindi ko na kinailangang mawala sa sarili ngayon para lang matalo yung mga kalaban. Naisip ko na naman yung mga sinabi ni Xander.

"Hindi mo na ba naaalala ang mukha ng bestfriend mo? Ang bestfriend na... tinraydor mo?"

Bestfriend...

Pumikit ako at pilit inalala ang nakaraan. Wala. Wala talaga akong maalalang kahit ano. Dumiretso ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Bigla akong napadilat nang may maalala ako bigla.

Si ate Euri! Siguradong may alam siya!

Agad akong bumangon at pumunta sa kwarto ni ate Euri. Kakatok pa lang sana ako nang bigla itong bumukas at iluwa nito si ate Euri na mukhang kabibihis lang.

"May kailangan ka?" agad na tanong nito.

"Ahm... kasi...," paano ko ba sisimulan ang pagtatanong?

"Nagkita na kayo ni Xander?" napataas ang tingin ko sa mukha niya nang banggitin nito ang taong gusto kong itanong.

"Paano mo nalaman?"

"Tinawagan ako ni Ephraim," niluwagan nito ang pinto at saka kami pumasok sa kwarto niya. Kinuha ko yung upuan sa harap ng PC at umupo malapit sa kama nito kung saan siya umupo.

"So kilala mo si Xander ate?" agad kong tanong sa kanya.

"Hmm... hindi," maiksing sagot nito.

"Ehhh???" hindi ko malaman kung nagbibiro lang ba siya o hindi dahil hindi ko mabasa ng mukha niya. Poker face as usual.

"Ang alam ko lang naging kaclose mo yung lalaking yun nung first year high school ka," sabi niya habang tila nag-iisip.

"So totoong naging bestfriend ko siya?"

"Maybe," kibit-balikat nito.

"Ano bang nangyari noon ate? Bakit wala akong maalala sa nakaraan ko?" hindi ito sumagot. Tinitigan niya lang ako. Parang tinitimbang niya kung sasagutin ba niya ang tanong ko o hindi.

Maya-maya, ngumiti ito ng makahulugan. "I'll tell it all when the right time comes."

"Bakit hindi pa ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Kasi wala ka pang naaalala! Saka na kapag paunti-unti nang bumabalik ang alaala mo!" napakunot ang noo ko. Gustong-gusto ko ng malaman ang sagot pero alam kong hindi ko mapipilit magsalita ang ate ko. Tumayo na ako nakasimangot na tiningnan siya. "Hindi mo ko madadaan sa pagsimangot mo! Matulog ka na at may pasok ka pa bukas!"

"Aish!" inis na naglakad ako papuntang pintuan at saka lumabas ng kwarto niya. Kainis naman!

"Josh?" napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko na kalalabas lang mula sa kabilang kwarto.

Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito B-Bianca?" tanong ko sa kanya.

"Wala sa loob, nasa kotse yata-oh Josh anong ginagawa mo dyan? Galing ka kay ate Euri?" tanong ni kuya Mark na kalalabas lng ng kwarto niya. Mukhang kaliligo lang nito.

"Hindi ba sabi ni mom wag kang mag-uuwi ng kung sinong babae dito?" sa gilid ng mata ko'y nakita kong bahagyang nagreact si Bianca. Shiz.

"Kung sinong babae? This is my girlfriend Bianca at hindi lang siya kung sinong babae Josh," sagot nito sabay akbay kay Bianca. Nagtama ang mga mata namin. Tinitigan ko siya. Nauna itong mag-iwas ng tingin. "Wag mo siyang takutin, ano ka ba? Kaya hindi ka pa nagkakagirlfriend ei!" sabi nito sabay tawa.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now