Chapter 45: The Death of Three Marias

1K 56 3
                                    

"This is not a series of suicide cases," napatingin ako kay Al sa tinuran nito. He has this confident smirk on his face again. "Those three... I believed they were killed intentionally. Therefore, it's a series of murders."

"M-Murder? T-totoo ba ang narinig ko?" napalingon kami sa may pinto at iniluwa nito ang kakapasok lang na matandang lalaki. He's tall, probably the same height as my father. He has a disheveled gray hair and a weary face, someone who looked so stressed and worried. He must be Mr. Anderson, the father of the three Marias who died this morning.

"Sorry for your loss Mr. Anderson. I'm Al, assistant po ni Detective Martinez," Muntik pa akong maubo sa sinabi ni Al habang kinakamayan si Mr. Anderson.

Self-proclaimed assistant eh?

"Totoo ba hijo? May pumatay sa mga anak ko? Tama ba ang hinala kong hindi sila nagpakamatay?"

"Yes Sir. That's what I think, but..." napatigil ito saglit kaya napatingin ako sa kanya. I noticed his sad eyes looking at the old man. For the first time, I can feel his hesitation. "I-I will just tell you the details once we're done with the investigation, Mr. Anderson."

Halos maluha-luhang kinamayan ng matandang lalaki si Al. Nakaramdam naman ako ng awa sa sinapit niya. The death of her daughters was so sudden and now, he was all alone. "Nakikiusap ako, alamin mo kung anong totoo. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga anak ko."

"I will do my best Sir." Tumango naman ito at pagkatapos ay inalalayan na itong lumabas ng lalaking kasama nito kanina sa living room. Narinig ko pa ang malalim na pagbuntong-hininga ni Al sa tabi ko. Siguro dahil na rin sa malimit kong pagsama sa kanya kaya lumalakas ang pakiramdam kong malapit na naming masagot ang lahat ng misteryo sa kasong ito.

O posible din namang masyado lang malaki ang tiwala ko sa ability ni Al kaya sa tingin ko ay malulutas na namin ang kaso. Pasimple akong tumingin kay Al na mukhang may malalim na iniisip.

Pinuntahan muna namin ang kwarto ni Ma. Cecilia kung saan may nakitang lubid at gloves na posibleng ginamit sa pagpatay sa pangalawang anak ni Mr. Anderson. Sinalubong naman kami ng nakaassign ditong officer at saka inabot ang nasa supot ng lubid at gloves.

"Ikinumpara na po namin ang lubid na 'to sa lubid na nasa kwarto ni Ma. Jenica pero..." mukhang nag-alangan pa ang Officer sa sasabihin. Tiningnan ko namang maigi ang lubid na hawak niya. "Hindi po ito kapareho ng ginamit sa pagbitay sa biktima."

"Sigurado ka ba? Hindi matched ang dalawang lubid?" nakakunot ang noong tanong ni Detective dito. Maging ako ay nagulat din sa sinabi ng officer.

Kung hindi matched ang lubid na 'to sa kaputol na lubid na ginamit sa pagbigti kay Ms. Jenica, ibig kayang sabihin...

"Mukhang bago pa lang ang lubid na 'to, Detective," napatingin ako kay Al nang bigla itong magsalita.

"Paanong—"

"Tama po ang sinabi niya, Detective. Nang makita po namin ang mga ito sa likod ng cabinet ni Ms. Cecilia ay nakabalot pa po ito sa isang paperbag. May resibo pa din po itong kasama."

"May resibo?" nagtatakang tanong ni Detective. "Sige, sa ngayon ay i-trace niyo na muna kung saan at sino ang bumili ng lubid na iyan!" utos ni Detective dito.

"Sige po Detective!" matapos magpaalam ng Officer ay iginala ko naman ang tingin ko sa buong kwarto. Halos kapareho lang ang layout nito sa unang kwartong pinuntahan namin. Sa ibabaw ng bedside table nito ay may nakapatong pang picture frame nilang magkakapatid, isang basong walang laman at saka isang botelya na hula ko ay sleeping pills.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now