Chapter 1: His First Day

6.8K 209 15
                                    

"I-I have to go," paalam ko bago ako tumayo mula sa pagkakaupo ko sa dining table. Mukha namang wala silang pakialam kaya tahimik na kong tumalikod.

"Sandali… sabay na tayo!" Napalingon ako sa kanya at saka napakurap ng ilang beses.

U-oh!

"A-Ate?" I said, unsure of what her reaction will be. When she turned at me, I gulped. Sinamaan niya pa ko ng tingin. Kinuha niya na yung bag niya at nagpatiunang lumabas.

"Ah... ano... ate Euri... k-kaya ko namang mag-isa pumasok eh! Di mo na ko kailangang sabayan," sabi ko sa kanya habang nakatungo. Naramdaman ko namang unti-unti siyang lumapit sa'kin. Pinatong niya yung kamay niya sa ulo ko. Napapikit na lang ako. I also felt my heart beat’s pattern changed abrubtly.

Is she going to punch me?

"What’s with your reaction? This is your first day in the Elite's Academy kaya sasamahan kita. Baka 'pag hinayaan kitang mag-isa, hindi ka na naman makarating sa opening ceremony nang walang bangas ang mukha!"

Napatingin ako sa kanya at saka nakahinga ng maluwang. Hayy... kung sana ganito kabait ang ate ko lagi oh!

"Aish!! Kung bakit naman kasi ganyan ang porma mo eh!!" sabi niya sabay talikod pasakay ng kotse.

Anong problema sa porma ko? Ganto naman lagi kong porma sa school ah?? Makapal na salamin, polo uniform at black slacks, black shoes at big black jansport bag! Komportable naman ako! So anong problema?

Sumakay na ko sa kotse. Inistart naman na niya yung sasakyan tapos tahimik lang kami sa byahe.

"Hoy Joshua, umiwas ka sa gulo ahh! Lalong-lalo na sa loob ng campus! Bawal makipag-away!"

"Di naman ako nakikipag-away ahh?"

Kailan ba ko nakipag-away? Ang bait ko kaya! Behave ako lagi.. Siya nga ‘tong laging napapaaway sa mga delinquents ng school…

"Tss.. hindi daw.."

Napakunot naman ang noo ko. Wala naman akong naaalalang nakipag-away ako.. nabubully oo pero ang makipag-away? Nah..

Maya-maya nakarating na rin kami sa school.

"Good morning babe!" Salubong ni Bryle kay ate Euri. Hinalikan niya ito sa pisngi. Mukhang napansin niya naman ako na masamang nakatingin sa kanya.

"Ui Joshua!! 1st year ka na pala ngayon! Ano ngang course mo?"

"Medicine," maiksi kong sagot sa kanya. Hinarap ko naman si ate Euri.

"Una na ko ate."

"Ahh sige.. magsastart na ang opening ceremony after 15 minutes kaya dumiretso ka na sa hall room."

"Okay"

"Ingat ka.. itext mo ko 'pag may problema ahh?"

"Yeah sure. Ja ne!"

Tinalikuran ko na sila. Tss.. naiinis talaga ko sa Bryle na yun! Inaagaw niya ang ate Euri ko sa'kin! Ewan ko ba naman kina kuya Mark at Vince kung bakit tanggap na siya na parang part ng family! Two years na silang nagdedate at parehong graduating. Paano 'pag gumraduate na sila? Baka yayain na ni Bryle ng kasal ang ate ko! Aish!

Sa lalim yata ng pag-iisip ko hindi ko namalayang may nabunggo na kong tao.

"G-gomen--" ang laking tao! "--asai" I gulped. Takte! Lagot yata ako!

"Ang lakas ng loob mong banggain ako bata ah? HAH??!"

"Ah h-hindi ko sinasadya! S-sorry!!"

"Anong sorry ahh?? Alam mo bang hindi ako tumatanggap ng sorry?"

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now