Chapter 52: Reunion

759 48 3
                                    

ERICKA'S POV

"Yep! I'm Sammy! Did you miss me?"

"Y-You're Sammy? Pero ikaw yung nurse kanina ah?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko.

"Yes my dear, kinailangan ko lang magdisguise kanina para mailigtas ka namin mula kay Black Sheep," parang wala lang na sagot nito.

"B-Black Sheep? Kilala niyo si Black Sheep?" for the second time, napanganga na naman ako sa sagot niya. I don't know how to react now.

"Yes, we know him. And of course, you know him too."

"You mean... Black Sheep is really from the House with no Windows?" tumango naman ang mga ito. "P-Pero sino?"

"Black Sheep is... Josh's bestfriend," sagot ni Rommel.

"Josh's bestfriend..."

"Ehem! Ako nga pala si Paolo and you can call me Pao for short. I-I'm sure it's a little bit awkward but, can we be friends from now on?"

"Si... Paolo?" pakiramdam ko ay nanlalamig na ang magkabila kong palad habang sobrang lakas naman ng kaba sa dibdib ko.

"Yes. Si Roan Paolo Ramirez," napalunok ako ng ilang beses nang banggitin niya ang buong pangalan ni Paolo.

"By the way, I'm Roan Paolo Ramirez, E.A student council former president."

"We were friends before but he can't remember it. He can't remember me as well as the sins he committed."

"A-Anong—" parang biglang nanghina ang mga tuhod ko. Hinawakan naman ako ni Sammy sa braso para hindi ako tuluyang mapaupo.

"Alam kong naguguluhan ka pa sa nangyayari kaya hayaan mo kaming ipaliwanag muna sa'yo ang lahat," marahang sabi pa ni Sammy. Tumango naman ako sa kanya.

"Ang mabuti pa'y sa loob na kayo mag-usap. Kanina pa kayo hinihintay ng bisita nyo," nakangiti pang sabi ni Inspector sa'min. Iginiya naman kami ni Rommel sa isang pasukan at may kung ano itong pinindot para magbukas ang harang.

Napahinga naman ako ng malalim. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang si Black Sheep at si Roan ay iisa. Parang sobrang dami na ng mga nangyari. I don't know what to do anymore. At yung taong gustung-gusto kong makita sa mga oras na ito, ni hindi ko man lang alam kung nasaan.

Naglakad kami sa isang mahabang pasilyo at pagkatapos ay binuksan ni Sammy ang isang pinto. Sumunod naman ako sa kanila papasok.

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo't nakatalikod ang unang bumungad sa'min. His stance and aura seems familiar. Dahan-dahan akong naglakad palapit dito, kasabay nito ang dahan-dahan din niyang pagharap.

"Josh..." usal ko. Parang may kung anong nag-uunahan sa puso ko ang bigla kong naramdaman nang makita ko ang gwapo niyang mukha.

"Eri..." pilit naman itong ngumiti. Agad kong sinarado ang distansya sa pagitan namin at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Saan ka ba nagpunta? Hindi mo ba alam na nag-aalala kami sa'yo?" may halong pagtatampong sabi ko pa sa kanya.

"I'm sorry... when Death took over my body, I can't do anything on my own," sagot naman nito.

"Oo nga pala!" agad akong humiwalay sa yakap at saka siya seryosong hinarap. "Alam mo ba kung anong nangyari kay Dr. Lajara? He was killed at ang sabi ng mga police, they found your fingerprints on his table..."

"Ang totoo, hindi ko din alam kung anong nangyari..." naguguluhang sabi nito. Tumingin naman ako kina Sammy para humingi ng explanation.

"Mula kaninang umaga ay nasundan namin si Josh, I mean his other alter—Death na papunta sa hospital. I told you kanina di ba? I saw Josh around 10AM. Binisita niya si Dr. Lajara na magdidischarge na sa ospital. After 20 to 30 minutes ay lumabas din siya, may tumawag sa phone niya at sinagot niya ito sa labas ng room. Pagkatapos nun, dali-dali siyang tumakbo papuntang emergency exit."

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now