Chapter 53: He who is called 'Black Sheep'

587 32 3
                                    

"Ba—ba—black sheep, have you known me more? Connoisseur, connoisseur, three bags fool! One for the master and one for the dead, and one for the little girl who escaped down the road!" maririnig sa apat na sulok ng kwarto ang boses ng isang lalaki habang patuloy lang ito sa pag-aahit ng kanyang bigote. Wala itong damit pang-itaas at makikita sa bandang dibdib nito ang isang marka na may hugis puso at napaliligiran ng kadena.

"Mukhang good mood ka ah?" agad na bungad ng isa pang lalaki na kakapasok lang ng kwarto. Matangkad din ito at halos kasing-katawan niya. May alun-alon itong buhok na medyo brown at nakawax pataas. Nakasuot ito ng puting t-shirt at black fitted ripped jeans.

"What are you doing here?"

"Well I'm just wondering if you're aware of what your sister is doing," sagot nito at saka kampanteng umupo sa sofa.

"Annika? You mean, her plan of abducting her ex-bestfriend to get Josh? That's not something new."

"Heh... so alam mo kung anong relasyon nilang dalawa?"

"Of course, I know everything about Ericka," may pagmamayabang pang sagot niya.

"So yung kapatid mo lang pala ang walang ideya na si Ericka ang first love mo?" napapailing na lang na sabi nito. Nagpunas naman ng tuwalya ang lalaki at pagkatapos ay humarap dito.

"I don't care about what Annika's planning but I won't ever let her hurt Ericka. Kung merong dapat masaktan dito, si Josh lang yun."

"Pero to think na merong multiple personality disorder si AJ, I can't really believe it!"

"AJ is not the original, you know? He's just one of his f*cking alters!"

"Oh yeah, you're right. No wonder may ilang pagkakataong para siyang tangang hindi makilala kung sinong kausap niya! Kaya pala hindi niya ako maalala..." natatawa na lang na sabi nito. "Hindi pa sana ako maniniwala eh, kaya lang what happened last night isn't something that can be easily explained!" ang tinutukoy niya ay ang gulong kinasangkutan ng grupo niya kalaban ang grupo nila Josh. "Did you know that one of my boys got stabbed by him and almost died?!"

"You looked amused," kumuha ito ng damit sa cabinet at saka ito sinuot.

"Well, I just find it really amusing. Won't you agree if I say we have a very extraordinary bond? You, me, your sister and that couple?"

"They're not a couple!" sigaw niya.

"Okay okay! Napakaiksi talaga ng pasensya mo!" halatang natutuwa ito sa reaksyon ng kaibigan. Nagpakawala na lang ng buntong-hininga ang lalaki at saka sumandal sa sofa.

"Get lost! I want to have some rest!" sabi pa niya at saka ipinikit na ang mga mata.

"Tsk. Fine!" maya-maya pa'y narinig niya na ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

"Hindi mo naitatanong eh may genius tayong kasama dito!" buong pagmamalaki niya pang sabi at saka nilingon ang tahimik na kaibigan.

"Genius?"

"I'm sure he had memorized all the doors earlier that we have entered as well as all the possible exits kaya sure akong chicken lang ang pagtakas natin dito!" confident pa niyang sabi.

"Heh... kaya ba parang wala lang sa inyo na nakidnap kayo at nadala dito?" sabi ng isang batang lalaki sa isang sulok.

"Yeah. Hindi ito ang first time na nadukot kami kaya wala ng bago dito. Besides, every now and then Josh needs something like this to stimulate his brain cells."

"Josh?"

"He's Josh, my bestfriend."

Napangiti siya sa alaalang pumasok sa isip niya. Yeah right. He's Roan Paolo Ramirez, Josh's childhood bestfriend. It's been a month since he came back from America where he stayed for three months to manage their family business. Pagkabalik niya ay agad siyang pumunta sa Elite's Academy para lang makita si Ericka. Sakto namang nagkakagulo noon sa gymnasium dahil sa insidenteng kinasangkutan ng ilan sa mga players ng basketball team. Pasimple siyang pumasok sa loob at doon ay narinig niya ang isang pamilyar na boses.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon