Chapter 17: Josh goes Viral

1.6K 83 1
                                    

Bago pa man ako magising sa tunog ng alarm clock sa bedside table ay nakarinig na ko ng sunud-sunod na katok sa pintuan. Nagtalukbong pa ko ng kumot dahil wala pa ko sa mood bumangon.

“Ma’am Ericka!” rinig kong tawag ni yaya Carol at saka patuloy pa rin sa pagkatok. Sinilip ko ang alarm clock ko at nakita kong 7:35AM pa lang. 10AM pa naman ang klase ko ngayong araw kaya may oras pa ko matulog. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

“Ma’am Ericka! Hindi ka pa ba gigising? May naghihintay sa inyo sa baba!” Napadilat ako sa narinig.

Ano daw? May naghihintay sa’kin sa baba?

Agad kong sinipa ang nakatalukbong na kumot ko at saka gumulong pababa ng kama. Yeah, literal na gumulong ako dahil tinatamad akong bumangon. Naramdaman ko ang lamig ng sahig sa mga pisngi ko.

Sino namang naghihintay sa’kin sa baba? Kahit naman dumating sila mom, hindi naman nila ko hinihintay para sabay kaming magbreakfast kaya imposibleng sila mom yun. Isip, Ericka. Isip. Pumikit ako at saka nag-isip. Makakatulog na sana ako ulit kung di ko lang ulit narinig ang boses ni yaya.

“Pauuwiin ko na ba muna yung bisita mo? Nakakahiya naman at kanina pa siya naghihintay sa baba!”

Bisita? Don’t tell me…

Agad akong tumayo at saka tumakbo papunta sa pintuan. Pinagbuksan ko si yaya Carol na nakasimangot na.

“Sino pong bisita?” agad kong tanong sa kanya.

“Yung pogi na dumalaw sa’yo sa ospital? Kanina pa siya naghihintay sa baba!”

“S-si Josh po? Bakit siya nandito?” agad kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Shemay, ang gulo ng buhok ko at nakapantulog pa ko. “M-Maliligo lang ako saglit yaya! Pasabi bababa din ako saglit! Waah!”

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto at saka kumuha ng bihisan. Binilisan ko na lang ang paliligo at saka nagbihis na ng uniform.

Bakit ba kasi siya nandito? Wala naman akong matandaang naging usapan namin ngayong araw ah?

Matapos makapagsuklay at makapaglagay ng kaunting make-up ay tumakbo na agad ako pababa ng hagdan. Agad ko namang nakita si Josh na nagkakape sa living room at may binabasang dyaryo. Napailing-iling na lang ako habang tinititigan siya mula sa malayo.

Bakit ganun? Kahit anong gawin niya, ang gwapo-gwapo niya? Kung may camera lang siguro akong hawak ngayon, nakuhanan ko na siya ng maraming magagandang shots.

Napatalon bigla ang puso ko nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Shemay, ang lakas ng impact!

“Good morning?” bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng maluwang.

“Ang bilis mo maligo ah?”

“Ha?” tiningnan ko ang suot kong relo. It was already 7:43AM. Teka, 7:43 pa lang? Ibig sabihin, halos 5 minutes lang akong naligo? Nagsabon ba ko? Nagshampoo? Aish, bat di ko maalala?

“Sabi ni ate Euri, sabay na daw tayong pumasok lagi. Pumayag ka naman daw kaya nandito ko ngayon,” nakangiti pa nitong sabi at saka humigop sa hawak na tasa. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa red lips niya. Shemay, ang swerte ng tasa niya.

Wait, ano ba ‘tong iniisip ko? Pumikit ako at saka pinakalma ang sarili. Evil thoughts, umalis ka sa utak ko! Shoo! Shoo!

“Are you okay?” napadilat ako bigla. “Inaantok ka pa ba?”

“Ha? Hindi ah! Tara? Alis na tayo?” nauna na akong maglakad palabas ng bahay. Baka kasi mapansin niya pa ang pamumula ng mga pisngi ko. Nakakahiya!

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now