Chapter 33: Gathering Clues

1.4K 83 27
                                    

“Al!” tuwang-tuwa kong tawag sa kanya at saka dali-daling bumaba sa kama ko para lapitan siya. “Are you okay now?”

“Of course!” masigla niyang sagot at saka inilapit ang mukha sa’kin. “I don’t know what happened though!” bulong niya at saka ako kinindatan. Binalingan naman nito si ate Euri na nakatayo sa tabi ng kama niya.

“Did I make you worry again?”

“I’m used to it,” ate Euri calmly responded. Napangiti naman ako. He then looked at Detective Martinez and at the doctor whose face was now as white as vinegar. Mas nagmukha tuloy siyang kahina-hinala lalo pa at pinagpapawisan ito kahit may aircon naman sa loob ng kwarto.

“Now, what do we have here?”

“I witnessed someone… died,” halos pabulong kong sabi sa kanya. Naalala ko naman yung tagpong naabutan ko kanina na nagpatayo ng mga balahibo ko. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Al sa ulo ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Don’t worry, it’s gonna be okay. We’ll give her the justice she wants…” tumangu-tango naman ako at saka siya nginitian.

Of course, everything will be fine as long as he’s here with me.

“Dr. Cinco, right?” tawag ni Al sa doctor.

“O-Oo.”

“Do you have any proof that you really did not visit the victim’s room before she died?” paunang tanong ni Al dito.

“Y-Yung assistant ko!” malakas na sabi nito.

“Assistant? What’s his name?”

“Si Trixia Clemente! She was assigned in my department last week. Nagpatimpla ako sa kanya ng kape mga bandang alas-singko kanina! I was reviewing some patient’s record nang makaramdam ako ng antok. I set my alarm so I’ll wake up after 15 minutes of power nap. Hindi ko naman akalaing hindi ako magigising agad. Paggising ko, it was already 6:30! Agad kong sinuot ang lab gown ko and went on my scheduled operation!”

“Operation?” saad ko.

“Yes. You can verify it if you want!” matatag na sabi pa nito. Napatingin naman ako kay Al na nakahawak pa sa baba at mukhang malalim ang iniisip. So he was able to give a concrete alibi huh?

Pero teka, kung totoo ang sinasabi niya, paanong…

“Detective, how long would it take for the autopsy report to come out?”

“After 2 more hours,” sagot ni detective pagkatingin sa suot na relo.

“Then, see you again in two hours,” napatingin kaming lahat kay Al dahil sa tinuran nito.

“What do you mean?” Detective Martinez asked. Nag-unat naman ng mga braso si Al at saka binalingan si Detective Martinez.

“What I mean is, we’ll track down the real culprit in two hours,” he confidently claimed while wearing his boyish smile.

Matapos ang ilang sandali ay kami-kami na lang ulit ang natira sa loob ng room. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin kay Al na nakaupo sa kama niya. Dalawang oras. Dalawang oras ang binigay niyang palugit sa sarili para masolve ang kaso.

“Okay na ba talaga ang pakiramdam mo hijo?” tanong ni yaya Carol dito.

“Okay na po, salamat po sa concern,” nakangiti namang sagot ni Al.

“So, w-where are we going to start?” atubili ko pang tanong sa kanya. Nakangiti naman itong tumingin sa’kin at pagkatapos ay nagseryoso na ang mukha nito.

“We’ll start with you. Tell me everything and when I say everything, don’t miss any single details,” seryoso nitong sabi sa’kin. Huminga muna ako ng malalim at saka sinabi sa kanya ang lahat ng naalala kong nangyari mula sa paglabas ko ng room, pagkabangga ko sa doctor at ang pagkarinig ko sa huling mga salita ng biktima. I told him everything, everything except that weird memory of mine.

“So she has left a dying message,” napapaisip na sabi nito habang magkasakop pa ang magkabilang palad nito sa ilalim ng kanyang baba.

“Dying message?”

“She said ‘it was Nana’ right? Her dying message was surely related to her killer.”

“Don’t you think the killer could be her cousin Janine?” napatingin naman siya sa’kin dahil sa sinabi ko.

“Why did you say so?”

“Nana could be her nickname so…”

“It’s not necessary a girl’s name,” he then let out a familiar smile. The smile he only showed when he was so near to solving the case.

“May naisip ka ng ibig sabihin ng dying message na yun?”

“Yeah! I have already formed my hypothesis right after you told me everything!” tumayo ito at saka nag-unat-unat. “So far, we already have three suspects, right?”

“Three?” Nginitian niya ako. Ugh, that smile again.

“That suspicious Dr. Cinco, the victim’s cousin Janine and that doctor’s assistant Ms. Trixia Clemente.”

“Ahh…” napatangu-tango naman ako sa sinabi niya. Kung ganun, tinandaan niya pala lahat ng mga pangalang nabanggit kanina na posibleng sangkot sa pagpatay sa biktima. Isa sa tatlo na kayang iyon ang hinahanap naming salarin?

Napatingin ako sa kanya nang tumayo ito at saka inilahad sa’kin ang kamay. “Let’s go?”

“H-Ha? Saan?”

“To the victim’s room!” sabi niya pa at saka hinawakan ang braso ko. Halata sa mukha nito ang excitement habang naglalakad kami sa hallway. Mas kampante ako sa ekspresyon niyang iyan, malayo sa ekspresyon niya nang mga oras na nakita namin siya sa basement at may hawak na lubid.

“So you found the victim here?” tanong ni Al pagkarating namin sa hagdan kung saan ko nakita yung babaeng punung-puno ng dugo kanina.

“Yeah,” maiksing sagot ko sa kanya at saka inilibot ang paningin sa paligid. Kasalukuyan itong iniinspeksyon ng mga pulis at kinukuhanan ng mga litrato. May mga bakas pa ng natuyong dugo sa ilang baitang ng hagdan. Napansin ko ang bahagyang pagsipat ni Al sa mga bakas ng dugo at ang pagtanaw nito sa pinakataas ng hagdan.

“How does she look when you saw her?” tanong niya. I closed my eyes and tried to remember the image I have when I first saw her.

“Blood was all over her gown and she has difficulty in breathing. S-She was vomiting blood while coughing and I think she has also pain on her chest,” napapikit ako ng magtayuan ang mga balahibo sa braso ko habang pilit inaalala ang babae.

“She was poisoned,” napataas ang tingin ko kay Al na seryosong nakatingin sa taas.

"P-poisoned?"

“The victim’s room was upstairs, right?” tumango ako sa tanong niya.

“Let’s use the elevator downstairs,” sabi nito at saka tumalikod na’t nagpatiunang bumaba. Hindi kasi kami pwedeng makiraan sa may hagdan dahil kailangang mapreserve ang crime scene hangga’t di pa namin nahuhuli ang salarin.

Maya-maya pa at narating na namin ang room ng biktima. Sakto namang papalabas na dito ang pinsan nitong babae na may kasama pang matandang babae na panay pa din ang iyak. She must be the victim’s mother. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.

“Good evening po,” bati ko sa kanila. Nagtatakang tiningnan naman kami ng matandang babae.

“Can we talk to you Ms. Janine Mallari?” walang patumpik-tumpik na tanong ni Al.

“Janine!” lahat kami ay napatingin sa lalaking hinihingal pang pumasok sa loob ng kwarto. Base sa suot nitong puting lab gown ay hindi mapagkakailang doctor din ito. He has a nameplate too na may nakasulat na ‘Dr. Agapito Cansiscio’. “What happened to Wanny?”

“S-She’s…,” hindi na nakayanan pa ng matanda at pumalahaw na ito ng iyak. Niyakap naman ito ni Ms. Janine at inalu-alo. Maya-maya pa’y nauna ng umalis ang matandang babae, marahil ay gusto nitong mapag-isa. I turned my gaze at the guy who just came. Kasing tangkad ito ni Dr. Cinco, may pagkamestizo at may magandang pangangatawan.

Based on his worried expression, I can guess that he was the boyfriend of the victim. Pero bakit ngayon lang siya dumating? Hindi ba dapat kanina pa siya nandito? Napakibit-balikat na lang ako. Maybe he’ll tell us his alibi later.

Wait, why do I sounds like a detective now? Napangiwi ako. Ito na yata ang napapala ko sa pagsama-sama kay Al at ang panunuod ko sa mga pagsosolve niya ng mga kaso.

“This is not true, right? Akala ko ba… she’s in stable condition? Paano nangyaring…” napahilamos sa mukha ang lalaki. I looked at his face intently. Nakarinig naman ako ng tikhim sa tabi ko kaya napagawi ang tingin ko dito.

“Wag mo nga siyang masyadong titigan!” napaawang ang bibig ko sa tinuran niya.

Don’t tell me he’s…

“Your eyes were obvious,” mahinang sabi niya.

“Ha?”

“You’re right, he’s also a suspect,” mahinang sagot nito habang matamang nakatingin sa lalaki.

“Teka, sino kayo?” napabalik ang tingin ko sa kanila nang marinig kong magsalita ang lalaki.

“Ahm ano—“

“We’re assisting the police to investigate your girlfriend’s case that’s why we are here to question each one of you,” pagputol ni Al sa gusto kong sabihin.

“What?” nakakunot ang noong tanong ng lalaki. Napansin ko pa ang bahagya nitong pagkagulat at pamumutla. Maging si Janine at ang matandang babae ay saglit ding natigilan.

“Nagbigay na ko ng statement kanina sa mga pulis, hindi pa ba sapat yun?” saad ni Janine.

“I’ve heard about the statement you gave earlier so I won’t ask about that again. What I want to ask is,” saglit na tumigil sa pagsasalita si Al at saka tinitigan ang dalawa. “Your alibi.”

“A-Alibi? Don’t tell me pinagdududahan mo kami? I am Wanny’s cousin for Pete’s sake!” agad na depensa ni Janine.

“Yeah but that won’t exempt you from being a suspect,” nakangiting sabi pa ni Al. Lumingon ito sa loob ng kwarto ng biktima kung saan nakapatong pa ang ilang gamit na naiwan nito. Walang paalam na pumasok sa loob si Al at saka nilapitan ang mesang katabi ng kama.

“Teka—“

“Someone managed to poison her. If that someone was right around the corner, don’t you want to capture him?” rinig kong sabi ni Al. May kung anong kinuha ito mula sa ibabaw ng mesa at pagkatapos ay humarap sa’min.

“Dr. Renzo Cinco and Ms. Trixia Clemente, are they the ones in this picture?”

Napansin ko ang pag-aatubili sa mukha ng dalawa. Both of them looked suspicious to me. Pero teka, yung nabanggit niyang names, hindi ba sila yung dalawa pang suspects na pinaghihinalaan ni Al kanina?

So that means, they were all connected.

Tiningnan ko maigi ang dalawa. Mukhang naghihintayan sila kung sinong unang magsasalita. I heard Al took a deep breath on the other hand. Waiting is really not on his vocabularies.

“W-We’re all schoolmates before,” sagot ni Janine pagkaraan ng ilang segundo.

“Bakit mo tinatanong? Anong kinalaman nila kay Wanny?” tanong ng lalaki. Ngumiti naman si Al at saka humarap dito.

“Both of them including the two of you, were all part of a skit.”

“What skit?”

“A skit made by the killer. Now the question is, who among the four of you was the puppeteer? Shall we start and know it ourselves?” he confidently said with a smile.

I don’t know what he has seen from the picture that made him let out that smile. But one thing’s for sure, he has already solved the case.

***TBC

Who do you think the killer is? Comment your guess! 😉

~EuclidAngel💓

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now