Chapter 54: Before the Accident

573 40 9
                                    

Few hours before the accident...

We're going to meet and confront Paolo. We're going back to the House with no Windows.

"Ang mabuti pa'y sumama ka na lang muna sa'kin sa presinto, Josh," sabi ni Inspector. Mukhang inaasahan naman na ito ni Josh na kaswal lang na tumango. "Kung walang magiging problema ay maaari namang makasunod pa sa inyo si Josh mamaya. Saka, baka makahanap pa kami ng clues sa kasong ito habang kasama ko si Josh."

"Ahh sige po Inspector," pagsang-ayon ko na lang dito. Mas mabuti pa ngang makapagbigay na agad ng statement si Josh para maclear niya na agad ang pangalan niya. Isa pa, there is a high probability na lumabas si Al pagdating nila ng presinto. Sa ganung paraan ay mas masosolve na agad ang kaso.

"Paano, maiwan na muna namin kayo dito?"

"Ahh Inspector—"

"Yes, hija?"

"Pwede po bang sumabay? Kailangan ko muna po kasing umuwi..."

"Oo naman!" tumayo na ako at saka humarap kina Sammy. "Mauuna na muna ako ah? Babalik din ako mamaya!"

"Sure, mag-iingat ka ha?" sabi pa ni Sammy at saka ako niyakap. Maya-maya pa'y sumunod na ako kina Inspector papalabas ng warehouse. Sumakay sa passenger seat si Josh at sa likod naman ako sumakay.

"Saan kita ibababa, Ericka?" tanong ni Inspector.

"Kahit po doon sa may Starbucks malapit sa Street 13 lang po. May bibilhin muna po ako doon bago umuwi!"

"Okay, sige," napasandal naman ako at saka napatingin sa passenger seat kung saan tahimik lang na nakaupo si Josh.

Ano kayang nasa isip niya ngayon? Given everything that happened, I'm sure it's been so hard for him.

"Black Sheep is... Josh's bestfriend," sagot ni Rommel.

"Josh's bestfriend..."

Roan Paolo Ramirez is... Black Sheep. Kaya pala pamilyar ang pakiramdam noong una kaming magkita. Siya din pala yung may kagagawan ng pagkidnap sa'kin noon.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa tapat ng Starbucks.

"Thank you po sa paghatid!" sabi ko kay Inspector pagkababa ko sa kotse. Sinulyapan ko naman si Josh na mukhang may malalim na iniisip. Kung hindi pa ito kukulbitin ni Inspector ay hindi nito mamamalayang nakababa na ako.

"S-See you later," sa wakas ay sabi nito sabay pilit na ngumiti. Tumango naman ako at saka nagwave. Dahan-dahan naman ng umandar ang kotse papalayo at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa bookstore malapit sa Starbucks. Agad akong dumiretso sa school supplies section at kumuha ng notebook at ballpen at pagkatapos ay pumunta na ako sa cashier para bayaran ito.

"Forty five pesos lang po, Ma'am," kinapa ko naman ang pouch ko sa bulsa ko at saka naglabas ng fifty pesos at inabot dito.

"Here's your change, Ma'am. Thank you for coming!" Tumango lang ako at saka kinuha ang sukli't pinamili ko. Paglabas ko ng bookstore ay dumiretso ako sa Starbucks at umorder ng white hot chocolate at blueberry cheesecake. Dumiretso ako sa second floor para maghanap ng bakanteng pwesto.

"Alright! Let's do this!" Inilabas ko sa paperbag yung notebook at ballpen na binili ko at saka nagsimulang magsulat ng detalye tungkol sa mga nangyari.

It was around 9AM when I arrived at Rilorcasa residence and tried to make Josh take over his body. It was a failed attempt and I passed out. Nang magising naman ako ay it was almost 2PM na. That time, Josh has already gone to the hospital at around 10AM. He met Dr. Lajara for an unknown reason.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now