Chapter 49: Tracing his Marks

1K 51 8
                                    

"Uncle! How's the investigation?" agad na tanong ni Ate Euri sa lalaking kalalabas lang ng office nito. He was a little bit short but not too fat. He's wearing thick black glasses and based on his getup of paired brown jacket and brown hat and his very intimidating aura, I think he's an officer of a high rank. He's probably an inspector or a police detective.

"May mga nakunan kaming CCTV footage mula sa hospital. Sumunod kayo sa'kin para mapakita ko sa inyo," sagot nito at saka tumalikod na ulit para igiya kami sa office niya. May ilang officers din sa loob nito na may kung anu-anong kinakalikot sa kanya-kanya nilang laptop.

"Officer Araneta, please show them," tinawag nito ang isang bagitong officer na may suot na salamin. Lumapit naman ang lalaking tinawag nito at saka iniharap sa'min ang hawak na laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay siya din ang officer na katulong ni Detective sa crime scene kagabi.

"This is the CCTV footage from the lobby," may pinindot ito sa laptop para magplay ang video. Ilang sandali pa at nakita na namin ang isang lalaking walang lingon-likod na dire-diretsong pumasok sa loob. Nakaitim itong jacket at may suot itong black na sumbrero.

"Si Death..." mahina kong tanong at saka tinitigan ang lalaki. Ang sunod na video ay sa elevator kung saan pumasok ang lalaki at pinindot ang 15th floor.

Was it really him?

"Sa 15th floor po ba ang office ni Dr. Lajara?" tanong ko sa officer.

"Hindi, sa 16th floor siya," maiksi nitong sagot.

"Sa 16th floor? Kung ganun, bakit..."

"Ayan na!" napabalik ang tingin ko sa laptop nang bigla nitong ituro ang screen. Biglang nagdilim ang kuha sa elevator.

"Anong nangyari? Bakit nagdilim?" ilang saglit pa at bumalik na ang kuha sa screen pero wala na sa loob ng elevator ang lalaki.

"Sinubukan naming kunin ang mga CCTV footage sa hallway ng 15th floor at 16th floor pero mukhang may nagsadyang sumira sa mga kable."

"Teka, paano niyo nalaman ang pagkamatay ni Dr. Lajara? Who discovered his body first?" tanong ni ate Euri. Nakita kong may kinuhang maliit na notebook sa suot na jacket yung matandang lalaki.

"The one who reported the case was Dr. Alejandro, a neurosurgeon. Ang sabi niya ay may papamirma lang daw sana siya kay Dr. Lajara nang makita niya itong wala ng buhay na nakahiga sa sahig."

"Ano pong kinamatay niya?"

May binuksang file sa laptop si Officer Araneta at pagkatapos ay ipinakita niya ito sa'min. "He has obvious ligature marks on his neck so there is a high probability that he was strangled to death. At base sa posisyon ng marks ay mukhang sinakal siya habang nakatalikod sa killer niya."

"And the murder weapon?"

"Here. It was just found on the floor. Pero wala kaming natrace na fingerprints mula dito."

"Nakakapagtaka..." napatingin ako kay ate Euri sa sinabi nito.

"Ano yun hija?" tanong ng uncle nito.

"If it was Death's deed, the scene must have contained a pool of blood. Pero sa kasong 'to, the doctor was just strangled to death..."

Napataas ang kilay ko nang marinig mula dito ang 'just strangled to death...' as if it is something that usually happens and doesn't need to be considered as big deal.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now