Chapter 23: Prime suspect

1.5K 94 9
                                    

ERICKA’S POV

Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdamang nagvibrate ito. I opened the text message only to find weird characters.

FROM: UNKNOWN NUMBER
黒羊

Huh? Ano na naman ‘to? Mukhang wala lang magawa sa buhay ang nagsend nito. Napailing-iling na lang ako at saka itinago ang cellphone sa bulsa ko.

“Manong Bart, itabi mo na lang muna diyan!” sabi ko sa driver namin at saka nito itinabi ang kotse sa tabi ng bookstore. Saturday kasi ngayon kaya wala akong pasok sa school. Pumasok ako sa bookstore at saka namili ng mga books na pwede kong basahin during my free time. Namili din ako ng mga cute pens at saka dumiretso na sa cashier.

Habang nakapila ay nakakita pa ko ng cute cellphone strap. Isang pink at isang blue na teddy bear. Napangiti ako nang bigla kong maalala si Haja. Kinuha ko yung dalawang cellphone strap at saka isinama sa mga babayaran kong books.

Come to think of it, hindi ko pa pala natatapos yung book na nabili ko dito last time. Siguro ay sisimulan ko ulit basahin yun from Book 1 para tuluy-tuloy. Isa pa naman yun sa mga all-time favorite books ko.

“One thousand two hundred fifty pesos po, ma’am,” nakangiti pang sabi ng cashier. Inabot ko naman dito ang tatlong five hundred bills. Matapos akong suklian ay lumabas na ko ng bookstore. Paglingon ko sa kabilang kalsada ay napakurap-kurap pa ko nang matanaw ang pagbaba ni Josh mula sa kotse niya.

Si Josh ba talaga yun? Bakit nandito na naman siya?

Teka, don’t tell me imi-meet niya naman yung babae niya? Napasimangot ako nang maalala na naman ang pag-iwan ni Josh sa’kin para i-meet ang kung sinumang babaeng yun. Tinanaw ko kung saan siya pupunta at nakita kong nagmamadali itong tumakbo papunta sa isang narrow alley.

“Saan sunod nating destinasyon ma’am?” bungad ni manong Bart.

“Teka lang po, may pupuntahan lang ako saglit,” inabot ko dito lahat ng pinamili ko at saka dali-daling tumakbo papunta sa tawiran. Tumawid naman ako ng kalsada at saka pasimpleng sinundan si Josh.
Hindi naman sa nangingialam ako, curious lang naman ako kung anong klaseng babae yung gusto ni Josh. Yun lang naman. Kung mas maganda ba siya, mas matangkad, mas classy, mga ganun?

Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw ang likod ni Josh. Ngayon pa nga lang parang pakiramdam ko ay may kumukurot na sa puso ko, paano pa kaya ‘pag nakita ko mismo silang magkasama mamaya?

Nakita kong pumasok si Josh sa isang lumang building. Bago pumasok ay tiningnan ko muna ang kabuuan nito at pati na din ang paligid. Parang haunted building. Bakit naman sila magmimeet sa ganitong lugar?

Teka, hindi kaya may gagawin silang kababalaghan? Halaa…hindi pwede!

Agad akong tumakbo papasok at hinanap si Josh. Natigilan naman ako nang makitang napatigil ito sa isang pinto. Nagtago ako sa huling kantong nilikuan niya at saka dahan-dahang sinilip si Josh mula dito. Nakita ko naman siyang ilang beses pang lumunok bago pinihit ang door knob. Ilang sandali pa at narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Maya-maya pa at dahan-dahan na akong naglakad papunta sa harap ng pintuang pinasukan nito. Huminga ako ng malalim.

Nasa loob sila, Ericka! Si Josh at ang babae niya!

Hahawakan ko pa lang sana ang door knob nang may marinig akong ingay mula sa loob. Ingay na parang may nahulog na mabigat. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong pumasok sa loob. Medyo madilim sa loob pero maluwang naman ang kabuuan nito. May mga lumang gamit sa loob, mga cabinet at saka mga maalikabok na mga papel.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon