Chapter 56: When She Woke Up

407 29 0
                                    

"Shall we go now?" aya ni Rommel sa kanya. Nanatili lang siyang nakaupo, parang wala siyang lakas na tumayo o kumilos man lang mula sa posisyon niya.

"I don't think I can face Ericka now," matamlay na sagot niya.

"Come on, she's been asleep for six months at ngayon lang siya nagising. I think she'll be very sad kapag wala man lang dumalaw sa kanyang kaibigan niya."

"Pero, p-paano kapag tanungin niya tayo kung anong mga nangyari? I don't think I can tell her everything that happened while she's asleep. It's too... heart-breaking."

"Wala tayong magagawa. Sooner or later, malalaman din naman niya ang lahat. Malay mo, may nauna na palang magsabi sa kanya kung anong mga nangyari kay Josh, sa parents niya at pati na din yung tungkol kay Roan."

Napabuntong-hininga na lang si Sammy at saka tumayo na.

"Fine, I'll go. Pero kapag wala siyang tinanong, wala din akong ikekwentong kahit ano, hmp!" nakasimangot niya pang sabi at saka lumabas na ng bahay. Pilit na ngumiti na lang din si Rommel habang sinusundan ang girlfriend. Hindi niya ito masisisi dahil maging siya ay nalulungkot din sa mga nangyari sa nakalipas na anim na buwan.

Anim na buwan. Parang kailan lang nang mabalitaan nila ang tungkol sa aksidente ni Ericka. It was the very same day when Josh disappeared too without any trace. Naoperahan si Ericka pero nakitaan siya ng abnormalities during her MRI test kaya ilang buwan siyang nasa vegetative state.

During that time, sobrang daming nangyari.

"Mamaya na pala yung huling hearing para dun sa kaso ni Dr. Lajara?" napalingon siya kay Sammy na may hawak na ng dyaryo at nakasakay na sa passenger seat. Inayos niya muna ang seat belt niya at saka ibinalik ang tingin dito.

"Do you think—"

"No," inayos ni Sammy ang seatbelt niya at saka inihagis sa likod ang dyaryong hawak. "Malakas ang kutob kong may kinalaman talaga si Roan sa pagkamatay ni Dr. Lajara!"

"Pero ayaw namang ituro nung suspect kung sinong mastermind eh," ini-start niya na ang makina at saka nagsimulang magdrive.

"Sigurado akong binayaran siya o tinakot para hindi magsalita!"

"But we don't have any evidence, okay? Nasisiguro kong nabura na nila ang lahat ng ebidensyang makakapagturo sa kanila kaya wala tayong magagawa. Ni hindi nga din natin mapatunayang may kinalaman yung kapatid ni Roan sa pagkawala ni Josh eh."

"Nasaan na nga kaya si Josh?"

"I have no idea. Baka inilabas na siya ng bansa o itinago ng psycho na yun kung saan?"

"T-Teka, si Annika ba yun?" halos matapakan ni Rommel ang preno sa biglaang pagsigaw ni Sammy.

"Saan?"

"Ayun! Yung sumakay sa white UV sa unahan natin! Sundan natin, bilis!"

"Ah sige!" agad na binilisan ni Rommel ang pagpapatakbo at sinundan ang sasakyang nasa unahan lang nila. Maya-maya pa'y nakalabas na sila ng expressway.

"Ayusin mo ah? Huwag mong hahayaang makalayo!"

"Ito na nga po, boss!"

Patuloy pa din nilang sinundan ang sasakyan hanggang sa makarating ito sa isang medyo liblib na lugar.

"Hala Rom, asan na tayo?"

"Parang nakapunta na ko dati sa parteng 'to eh. Ang alam ko nga, may private resort diyan sa pinakadulo."

"Teka, hindi kaya—" nagkatinginan silang dalawa. Mukhang pareho ang pumasok sa mga isip nila.

"We need to make sure," sabi ni Rommel sa kanya. Maya-maya pa'y natanaw nilang tumigil na ang sinusundan nilang sasakyan sa tapat ng malaking gate sa di kalayuan. Kitang-kita nila kung paanong lumabas mula dito si Annika at pumasok sa malaking gate.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now