Chapter 55: Face to Face

481 33 1
                                    

"Damn you Annika! Kapag nalaman ko lang na ikaw ang may kagagawan nito, magtago ka na kung nasaan ka man! Papatayin kita!" napangiti lang si Annika sa natanggap niyang voice message mula sa kuya niya. She clicked the end button at pagkatapos ay basta na lang ipinatong sa mesa ang smartphone.

"Let me guess who called?"

"Yeah no need to guess, it's just my boring brother," kaswal lang na sagot ni Annika kay Xander at saka kumuha ng wine sa rack.

"Aren't you afraid of him?"

"Oh come on! Hindi na ako bata Xander. Hindi na ako yung batang laging sunud-sunuran sa kuya niya!" ipinagsalin niya ito ng wine at saka inabot dito.

"Talaga ba?"

"Wala ka din bang tiwala sa'kin?" nakataas ang kilay an tanong niya dito.

"Hindi naman sa ganun, iniisip ko lang kung anong posibleng gawin sa'yo ni Roan sa oras na mapatunayan niyang ikaw ang may kagagawan ng pagkaka-aksidente ni Ericka."

"I don't care kung anong gagawin niya. I will make sure to erase that bitch in this world before this day ends. At kung magkakaroon man ng himala at mabuhay pa si Ericka mula sa aksidenteng iyon, sisiguraduhin kong mapapatay pa rin siya ng mga tao ko," nakangiti nitong sabi at saka tinikman ang hawak na wine.

"Hindi ka ba natatakot sa posibleng maging consequence ng ginagawa mo?"

"Why would I? You know how powerful my parents are, right? Kayang-kaya naming bilhin ang batas lalo na at nandito tayo sa Pilipinas," confident pa nitong sabi habang tumatakbo sa imahinasyon nito ang posibleng malagim na nangyari sa dating kaibigan. Gumuhit sa mga labi nito ang maluwang na ngiti na may bakas ng kasiyahan at tagumpay. Napailing na lang si Xander sa ginagawi ni Annika. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya siya nagpunta kanina kay Roan para balaan sana ito pero hindi siya nito pinakinggan. Tiningnan niya na lang ang wine na hawak niya at saka lumagok mula dito.

"Poor Ericka..." nasabi na lang nito sa sarili.

***

"I think we need to settle this by the end of this month."

"We will try to negotiate with our suppliers as soon as possible, Sir!" bahagyang natigilan ang mga nasa loob ng kwarto sa biglaang pagpasok ni Mr. Torres, ang secretary ng Director ng kumpanya.

"Sir, may kailangan kayong malaman!"

"Can't you see I'm in the middle of a meeting, Mr. Torres?" bulyaw ni Director Basilonia sa secretary nito.

"I'm sorry Sir pero..." ipinakita nito ang hawak na tablet sa Director.

"What is this—"

"Naaksidente po ang anak niyo, Sir."

"No way! T-This can't be—" biglang nanikip ang dibdib ng Director kaya't agad na umalalay dito ang secretary. "T-Tell me, saang hospital dinala ang anak ko?"

"Sa AMC po Sir!"

"I-I'm sorry but can we reschedule this meeting?" hinging paumanhin ng Director sa mga kasama.

"Ohh sure, Mr. Basilonia, of course your daughter is more important than any other business!" tumango naman si Mr. Basilonia dito at saka dali-daling lumabas ng meeting room.

"Cancel all my meetings today!" utos niya kay Mr. Torres bago ito sumakay ng elevator. Nang makarating sa basement ay agad nitong kinuha ang cellphone sa coat at saka nito tinawagan ang asawa.

"Hello Ria? Where the heck are you?"

"Ha? I told you this morning that I'm gonna go shopping with Krissy di ba?"

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now